CHAPTER 2: Lean on His Shoulders

909 Words
Ang Nakaraan.. Kinagabihan Habang abala ako sa pag aayos nang aking hinigaan ay naisipan kong lumabas ng aking kwarto kaya marahan kong kinuha ang saklay na nasa gilid ng pader at saka nagsimulang maglakad patungong pintuan, Doon ko lamang nakita ang aking sarili sa isang salamin na punong puno ng pasa ang aking katawan , mukha at hindi rin ako makalakad ng maayos dahil sa napilay kong mga paa bigla tuloy akong nakaramdam ng pag kaawa sa aking sarili at inisip kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sa akin. Pero hindi ko na lang muna yun pinansin dahil sinimulan ko ng pihitin ang pintuan para buksan at lumabas na ng aking silid pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay marahan akong bumaba sa hagdan ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ay sinalubong na kaagad ako ni Ken na kakarating lamang ng Mansion kaya naman sa lakas ng sigaw nya nang makita ako ay naagaw ang atensyon ng ibang mga katulong at pati na rin ni Manang Minda "Anong ginagawa mo rito! Bakit hindi ka na lang tumawag kila Manang Minda para tulungan kang makababa rito" Ang Pagpapatuloy.. Nakita ko sa kanyang mukha ang labis na pag aalala na parang nakita ko na noon sa isang lalaki ,Kaagad nila akong tinulungang iupo sa may sala at doon ko lamang napansin ng iikot ko ang aking mga mata na sobrang lawak pala nang kanilang Mansion "Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ken na hindi pa rin maipagpalagay ang kanyang sarili "Oo ayos lamang ako, Wag na po kayong mag alala pasenya na po kung pinag alala ko pa ho kayo" "Sa susunod tumawag ka na lamang sa amin nila Manang okay? May telepono naman dun sa kwarto mo para maiwasan ang gantong klaseng sitwasyon mahirap na baka ano pang mangyari sayo lalo na at ganyan yung kalagayan mo" "Sige, Pasensya na ho ulit kayo" Bigla tuloy akong nakonsensya dahil sa ginawa ko naisip ko tuloy na baka sakin masisante sila Manang Minda at ang ibang kasamahan nito "Bakit lumabas ka ng kwarto mo?" Tanong sa kin ni Ken "Kasi gusto ko lang sanang magpahangin" "Ganon ba.. Manang Minda pakuha naman po ako nung Wheel Chair sa Storage room at nang mailabas ko sya" "Sige po Sir" Nang makuha na nga ni Manang Minda ang Wheel Chair kung saan ako mauupo ay ibinigay nya ito kaagad kay Ken at matapos ay nakita ko na lamang ang aking sarili na ibinubuhat nya na paupo sa upuan ng Wheel Chair Bigla akong kinabahan habang magkalapit ang aming mga mukha dahil sa pagkailang ko sa mga oras na yun pero hindi na ako nagsalita pang muli dahil baka kung ano pa ang isipin nya dahil lamang sa iniisip ko. Nang mailatag nya na nga ako sa upuan ay itinulak nya ang Wheel Chair at saka kami lumabas hanggang sa makarating kami sa swimming pool sa kanilang garden "Dito ba ang gusto mo?" Marahan nyang tanong sa akin kaya napaangat ako ng ulo sa kanya "Oo dito na lang ako" "Samahan na kita mahirap ng iwan kitang nag iisa lalo na at nasa ganyan kang kalagayan" Naupo sya sa may malapit na Bench sakin kaya naman ay nahiya ako ng bahagya dahil pakiramdam ko ay parang nagiging obligasyon pa nila na alagaan ako kahit na ang totoo ay parang hindi naman ata kami magka kilala oh mag ka ano ano man lang Habang wala ako sa aking wisyo ay laking gulat ko nang magsimula syang magsalita kaya't kaagad akong napatingin sakanya "naaalala mo na ba ang pangalan mo?" Habang tinatanong nya yun ay biglang napaisip rin ako kung bakit nya yun nasabi at bakit tila wala rin akong maalala kung ano nga ba ang totoo kong pangalan at kung sino nga ba talaga ako "Wag mo ng isipin muna yan ang importante buhay ka at nasa maayos ka nang kalagayan marahil hindi pa oras sa ngayon para malaman natin kung ano nga ba ang totoong nangyari sayo pero kailangan mong magpagaling hanggang sa maging maayos ka na" Hindi ako nakaimik mula sa mga narinig ko sakanya nabalot ako nang maraming katanungan sa aking isipan kung sino nga ba talaga ako at bakit ako nag kaganito naisip ko tuloy na baka may nais pumatay sakin o baka naman ay naaksidente lamang ako ngunit bakit wala akong maalala man lang kahit na pangalan ko man lang kaya para maliwanagan na ako at para malaman ko na rin ang totoong nangyari ay hindi na ako nag dalawang isip pa na magtanong sa kanya "Pwede ko bang malaman kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sakin? At kung bakit ako nagkaganito ni kahit pangalan ko wala man lang akong maalala?" "Kagaya nga nang sinabi ko sayo kanina nakita kita nung minsang nag Out of town ako at nag Camping sa Gayonan Falls plano ko pa sanang mag tagal dun ngunit habang nag aayos ako ng Tent ay may nakita akong katawan sa gilid Falls Sa una ay hindi ko pa yun pinansin ngunit nang inagos yung ibang mga dahon na nakatabon sayo ay dun bumungad ang katawan mo na halos punong puno na ng pasa at mga sugat maputla ka na rin at tila wala ng buhay kaya dali dali kitang kinuha at idinala sa malapit na Hospital sa bayan na yun subalit dahil sa kakulangan ng gamit ay binigyan na lamang muna nila ikaw nang paunang lunas hanggang sa makarating tayo sa Manila"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD