Kabanata 1

1721 Words
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga batang nagtatawanan habang naliligo sa batis. Ang mga halakhak at hagikhik ng mga ito ay muling nagpapaalala sa akin na nagbalik na muli sa normal ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa bukid ng Siagao, baryo ng San Miguel dito sa lalawigan ng Surigao. "Ang tamis naman ng ngiti natin, Doc," komento ni Mariz. Magkasama kaming naglalaba ng mga damit ng aming kasamahang sundalo dito sa batis. Nilingon ko ito. "Natutuwa lang ako dahil tapos na rin ang pagsalakay ng NPA sa baryo. Saka, nakakatuwa ang mga batang tingnan, Mariz." Lumipat ang aking paningin sa grupo ng kabataang nagtatawanan pa rin. Naaalala ko pa ang takot sa kanilang mukha nang sumiklab ang bakbakan ng mga makakaliwa at ng mga sundalo. Nanginginig ang iilan sa takot. May mga umiiyak. May sugatan at mayroong nag-aagaw buhay. I was with them the whole time; giving them the help that they need. The care. And somehow hope. Ang makita sa mga mata ng mga inosenteng kabataan ang takot ay nagbibigay din sa akin ng kakaibang lungkot at awa. They shouldn't see cruelty in their young minds. They should live normal life just like the other kids. They should be carefree and happy. Nasasaktan ako para sa dumadanas na ng hirap sa murang edad ngunit wala rin naman akong magagawa kundi ang palakasin ang kanilang loob.  "Hanga talaga ako sa kabaitan mo, Doc. Kahit hindi mo na trabaho basta kaya mo, gagawin mo." "It's my passion and responsibility, Mariz." I chuckled. Ibinalik ko ang atensyon sa kinukusot na uniform. "You're fond of the kids, Doc. Bakit hindi ka pa mag-asawa?" I knew it was just a curious question from Mariz but I couldn't help myself but to think about it. Tumigil ako sa pagkusot at tumitig sa kawalan. Napabuntonghininga at napaisip. Bakit nga ba hindi pa ako nag-aasawa? I was thirty and stable. May boyfriend akong si Clark. We were both in love. Alam ko rin sa sarili kong siya na ang lalaki para sa akin. But maybe it was not our right time yet to settle down. We did love each other but we still had different goals in life that we both wanted to achieve. Gusto ko pang tumulong sa mga taong walang kakayahang magpagamot sa hospital. While Clark, he was very dedicated in his own field. As of now he was the team captain of his battalion. And I was very proud of him. He was proud of me too. We had constant communication though we rarely see each other. Sapat na iyon sa akin, as long as we trusted each other. "Tapusin na lang natin 'tong ginagawa natin, Mariz, kaysa pag-usapan ang love life ko," wika ko na lang. Natawa naman ito. "Ang seryoso mo talaga, Doc." Nagsimula itong magkusot. "Ito na po, nagkukusot na."Umingos ito. Tanda ng pagrereklamo. Natawa lamang ako at ipinagpatuloy na rin ang ginagawa. Matapos kaming maglaba ni Mariz ay naisipan kong maligo na rin sa batis. Tirik na ang araw dahil tanghali na at pawisan na rin ako dahil sa rami ng aming nilabhan. I saw my reflection in the crystal like water and smile softly. Kataka-taka naman kasing sa ilang taon kong pagboboluntaryo bilang doktor dito sa probinsya ay hindi man lamang ako umitim na katulad ng pangkaraniwang kulay ng mga naninirahan dito. Suot ang manipis kong puting sando at short ay lumusong ako sa malalim na bahagi ng batis. I breath heavily as the cold water touched my skin. Mainit man ang araw ngunit pinawi iyon ng lamig ng tubig. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili at mas lalo pang magtungo sa pinakamalalim na parte. Hindi rin naman ako natatakot na may makakita sa akin dahil halos pinapalibutan ang lugar ng malalaking bato at kakahuyan. Huni ng ibon, lagaslas ng tubig at mabining ihip lamang ng hangin ang tanging maririnig sa lugar. I enjoyed the feeling of soaking myself in the cold water. Something I didn't experince when I was a little. Naaalala ko pa noon kung paano ako pinagalitan ni mommy dahil nagpakabasa ako sa ulan at nakipaglaro sa putikan kasama ang aking mga kaibigan. Hindi kami mayaman pero may itinalagang alituntunin si mommy na kailangan kong sundin. Maybe, it was one of the reasons why I insisted to work as a volunteer.  Para makapagpahinga. Para magkaroon ng kalayaan. 'It's fate Shane. You are destined to help.' pagkausap ko sa sarili at ngumiti. "Doc! Uwi na tayo!" sigaw ni Mariz mula sa 'di kalayuan. Kumaway ako rito at tumango. Sa huling pagkakataon ay inilubog ko ang sarili sa tubig. Ilang minuto akong nagpigil ng paghinga bago umahon at suminghap. I smiled as contentment filled within me but it vanished instantly when I felt something strange. Para bang may mga matang nakatitig sa akin nang mariin. Naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong makita. I stared at Mariz but she was busy wrapping herself in a towel. Ako lang ba 'to? It was the same feeling as what happened to me that night when I tried to save a wounded stranger. The feeling of nausea and nervousness. The uncontrollably pounding of my chest. And tye feeling of being unsafe. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon. Pakiramdam ko nasa panganib ako. "Doc, ayos ka lang?" salubong kaagad ni Mariz sa akin. "U-Umuwi na tayo." I looked at her straight to her eyes. I thanked God because I still managed to get out of the water despite of the unwanted feelings I felt. Wala akong sinayang na sandali. I took my clothes and wore it. Mabilis ko ring binitbit ang plastic bag na may lamang damit ng mga sundalo. Luminga muli ako sa lugar bago tumalikod at umalis. Walang lingon-likod kahit pa naririnig ko ang pagtawag ni Mariz sa akin. Bakit ba kailangan ko pang maalala iyon? That was the night I thought I would be dead. The reason why I still had nightmares and waking up late with sweats. Ang trauma na ibinigay nila sa akin ay malala pero pinipilit kong kalimutan. And now, all of the sudden I felt the same. Muling bumabalik. Kailan ba nila ako patatahimikin? A tear escaped from my eyes as I saw the small cottages that was built by some soldiers as their temporary home. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano habang nakatanaw sa mga bahay na gawa sa kawayan at cogon grass. Lalo pa nang salubungin kami ng mga kabataan na anak ng mga taga-nayon. I felt safe and relief seeing their smiles. Alam kong ligtas na ako mula sa takot na gumugulo sa akin. "Madayaw na udto kan'mo, Mam Ganda!" (Magandang tanghali sa 'yo, Ma'am Ganda!) bati ng mga bata sa akin gamit ang kanilang lenggwaheng Surigaonon. Nakangiti ang mga ito. Sumasalamin sa kanilang mga mata ang kainosentehan. Napangiti rin ako. "Magandang tanghali naman," sagot ko. "Kumain na ba kayo?" Kinuha ng mas nakakatanda ang plastic na aking dala. Hindi naman ako nag-atubiling iabot iyon. "Kanina pa po, Mam Ganda. May lechon manok pa!" pagmamalaki ni Peter, ang pinakabata sa kanilang grupo. Liblib man ang baryo ng Siagao, may paaralan naman ito para sa mga batang gustong mag-aral. Kadalasan, mga boluntaryong guro lamang din ang siyang nagtuturo sa mga bata. Hindi man tuwid magsalita ng Tagalog ngunit nakakaintindi naman ang iilan sa kanila, kaya hindi mahirap sa akin ang makihalubilo. "Talaga ba?" Napangiti ako lalo at ginulo ang buhok nito. Natawa naman ito at maging ang mga kaibigan. "Opo!" sabay-sabay na sagot ng mga ito. "Tara, laro!" sigaw ng isa sa mga bata. Masaya namang sumang-ayon ang lahat. Natawa ako ng buong puso nang magsitakbuhan ang mga ito at nagsimulang maglaro sa bakanteng daan na yari sa aspalto. Nagtatawanan. Naghahabulan. Kung sino ang maaabutan ay siyang susunod na taya. Larawan ang mga mukha ng mga bata ng kasiyahan. Something that should not be deprived from them. "Ahemm! Selos naman ako sa mga bata. I wonder if my girl friend will look at me like that." I got stunned for a moment before I could finally turn around. I beamed in happiness seeing Clark in front of me. Para akong teenager na kinikilig dahil sa isang crush. Bakit hindi, if the man was the love of my life for almost a decade now. Ang pinakagwapo sa lahat para sa akin. Captain Clark Evanson of Alpha Team. "Clark!" I said wholeheartedly. Mas lalo kong naramdaman ang kaligtasan habang nakatingin kay Clark. Seeing him smiling while walking towards me felt like eternity. I was so in love with this man. Bukod kasi sa pisikal na anyo nito ay napakabait pa nito. Hindi na ako magtataka kung ang lechon manok na sabi ng mga bata kanina ay galing sa kaniya. "Hey. . ." He paused and looked at me intently. "I missed you." Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa sinabi ni Clark. Maging ang pagtibok ng aking puso ay naging eratiko. He had this effect on me; kahit noon pa. He could easily changed my feelings. "Got your tongue, Hon?" He chuckled sexily. "Can I hug you now?" Clark stretched his arm for me but I shook my head. Na-realize kong basa nga pala ako. Sayang kung mababasa ko ang polo niya. Gustong-gusto ko pa naman siyang tingnan kapag ganoon ang suot. Lumayo ako ng bahagya. "Basa ako." I pointed my wet shirt. "So?" sagot niyang nakangiti. Umiling na lamang ako nang hilahin ni Clark ang aking kamay. In one swift move, he pulled me close to him and gave me his tightest hug. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lamang at yakapin siya pabalik. "I love you," he whispered and nuzzled my ear with his nose. I missed Clark so much. I missed his embrace. I missed being with him. "I love you t--" I stopped. Lumayo ako kay Clark at nagpalinga-linga sa paligid. The feeling I felt a while ago suddenly flared up. The feeling that someone was staring at me brought tension to my whole being. Natatakot ulit ako dahil kahit saan ako tumingin, wala akong makita. Villagers were also happy doing their own businesses. Walang sinuman ang nagmamasid sa amin ni Clark kaya bakit ako nakakaramdam ng ganito? "Ayos ka lang, Hon?" Hindi ako sumagot. Niyakap ko na lang si Clark nang mahigpit. He was here now. No one could harm me anymore. @SheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD