Papasok kana?" tanong sakin ni Lewis, room mate ko.
I nodd. "Oo, sabay ka?" tanong ko. Naka pang uniform na siya.
"Sana." sagot niya at napakamot ng ulo. Lewis is a shy person, introvert siya. Ako lang ang kinakausap niya, dahil ako lang naman ang kaibigan niya.
We're both 3rd year college, Culinary Arts ang kinuha niya, and he's not into socialized, bilang lang din ang mga kaibigan niya.
''Teka magsusuot lang muna ako ng sapatos tas aalis nadin tayo.'' sabi ko sa kanya, tumango lang siya
Nagmadali akong magsuot nang sapatos dahil nakakahiya naman kung ipaghihintay ko pa siya, ito ang unang sumabay siya sakin, kasi mas una pa siyang nakakaalis kesa sakin.
''Tapos nako, tara?'' aya ko sa kanya.
Lumapit siya sakin at sabay kaming lumabas, hinintay ko siyang ilockk ang pinto, at sabay na naglakad papuntang terminal kung saan nakaparada ang mga jeep.
Nakasakay na kami at agad na nakarating sa school, papunta palang sa gate madami nang mga estudyante, parehong magba-barkada at maingay.
Hindi pa naman kami nakakarating sa gate ay may biglang humarang samin, lima sila. Dalawang babae at tatlong lalaki. Pareho silang nakangisi at parehong nakatingin kay Lewis na ngayon ay nakayuko.
Taka ko silang tiningan,'' Can you moved aside? nakaharang kayo sa dinadaan namin.'' mahinahon na sabi ko.
Pero tumawa lang silang lima, tinawanan ang sinabi ko. Napakunot ang noo ko, may nakakatawa ba sa sinabi ko??
''Ito ba ang boyfriend mo, Lewis?'' tanong nong isa at tumatawa pa.
''What?'' takang tanong ko sa kanya.
''Mas malambot pa nga to kesa sayo eh.'' tuloy nong isa.
''Eww.'' sabi nung babae, kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
Nilingon ko si Lewis na ngayon ay nanginginig na. Hinawakan ko siya, pero lumayo lamang siya sakin.
''Ke-aga aga Manuel, nambubwesit ka.'' sabi nung boses ng lalaki sa likod ko.
''Pakealam mo ba?" masungit na sagot ng lalaki na nag nga-ngalang Manuel. Ang bantot ng pangalan.
Umalis silang lima pero may hinabol pa ang gago. "Bakla." aniya.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad na nilingon si Lewis. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya, "Aalis nako, salamat." sabi niya.
Pipigilan ko pa sana pero pinigilan ako ni Miguel, "Hayaan mo muna siya, sa boarding house niyo mo nalang siya kausapin." sabi niya.
Tumango ako at tumingin ulit kat Lewis. I feel bad for him, kaya pala wala siyang kaibigan kasi...binu-bully siya.
"Tara na, ma le-late pa tayo." salita ni Miguel kaya agad din kaming naglakad papasok.
Hanggang sa mag lunch ay iniisip ko padin yung nangyare kanina.
"Hoy, okay kalan" tanong ni Alisa sakin.
"Oo." tipid na sagot ko.
"Alam mo gutom lang 'yan, kumain ka! kaya ang payat-payat mo." aniya pa.
Susubo palang sana ako ng makita ko si Lewis na bagong pasok sa cafeteria. Agad na umingay ang paligid, at panay bulungan.
"Nandito na ang bakla, wag niyong ipapasali dito baka mahawaaan tayo ng kabaklaan niyan."
"Oo nga."
'Yan ang naririnig kong mga bulungan ng mga estudyante, yung iba naman ay tumatawa pa.
"Lewis!" tawag ko. Agad na lumingon si Lewis sakin.
Inaya ko siyang umupo samin, noong una ay nagdadalawang isip pa siya, pero tumayo si Miguel at nilapitan siya.
"Anong gusto mo? ako na mag o-order sayo." aniya ko, pero umiling lang siya.
"Ako na." sagot niya, pero I insisted.
Kaya sa huli wala siyang nagawa at pumayag nalang, sinabi niya sakin ang order niya at ako na ang pumunta sa counter. Nararamdaman ko ang tingin ng mga tao sakin, pero diko nalang sila pinansin.
Pagkabalik ko sa table namin, tumatawa na sila. "Nawala lang ako, ang saya na nang usapan niyo." aniya ko.
"Sensya Sir," ani Alisa
"Kumain ka." sabi ko nang maibigay ko kay Lewis ang pagkain niya.
"Salamat." sagot niya. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"So! kamusta, Cian? Nakatulog kaba ng maayos?" tanong ni Alisa sakin, muntik na akong mabilaokan dahil sa biglaan niyang tanong.
"Oa." aniya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ang weird kasi ng tanong mo tas ang random pa." sagot ko.
"Choss, nginitian ko kaya ni Raven kagabi! Akala mo diko pansin!?"
"Tumigil ka nga, oa mo." masungit na sagot ko.
Tumawa siya, "Hala si bakla, kinikilig!"
"Hindi," masungit ko pading sagot sa kanya, kaya mas lalo siyang tumawa.
"Hindi nga!"
"Hala bakit nagagalit? HAHAHAHA" tuloy niya padin.
Hanggang sa matapos ang lunch namin ay panay padin ang pang-aasar niya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at mas nag focus nalang sa klase.
"May concert sila dito." aniya sa mahinang tinig.
Hindi ko siya nilingon.
Sabay kaming lima lumabas ng room, at maingay padin as usual si Alisa. Wala namang bago. Naisipan naming isabay nalang si Lewis na umuwi, at hinintay nalang namin siya sa labas ng building nila. Pero mag ga-gabi na pero wala pading Lewis na lumabas.
Dahil sa kaba ay naisipan naming puntaha ito sa room niya, alam ko ang room niya dahil sinabi niya nung una. Wala ng masyadong tao sa hallway kaya mas binilisan pa namin ang aming lakad, hanggang sa marating namin ang room niya.
Sumilip kami at nandun siya, nakaupo sa gitna. Nakayuko at.... nakatitig lang sa table niya.
I know there's something on him kaya pumasok ako ng room niya at nilapitan siya.
"Wis?" tawag ko sa kanya, hindi siya sumagot o lumingon.
"Wis?" tawag ko ulit, pero wala padin.
Kaya tinapik ko siya sa balikat niya at doon lamang siya lumingon sakin. Namumula ang mga mata niya.
"Okay kalang?" tanong ko sa kanya, tumango siya.
Pero alam kong hindi 'yon totoo.
"Tara na, uuwi na tayo?" aya ko sa kanya.
Tumayo siya at niligpit ang gamit niya. At sumunod sakin. Nasa unahan kami, kasama ang mga girls habang nasa likod naman ang dalawang lalaki.
Hanggang sa makalabas kami ng school ay tahimik padin siya. Hindi ko nalang siya ginambala, dahil baka hindi pa siya handang mag open up, kaya hinayaan ko nalang.
"Ingat kayo!" sabi nilang apat. Tumango kaming pareho ni Lewis at kumaway sa kanila.
Nakauwi na kami sa boarding house namin. Pagkapasok namin ay agad pumunta si Lewis sa banyo. Ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng dinner namin.
Kahit sa pagluto ay iniisip ko padin si Lewis, kailan pa kaya 'to nagsimula? Dahil sa pagiging tahimik niya, wala akong alam sa nangyayare sa paligid niya. Nag-uusap kami pero about sa school stuffs lang, at walang sa personal na buhay.
Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Lewis doon. Tinawag ko siya ng mahain ko na ang mga pagkain.
Tahimik kaming kumain, at tanging tunog lang ng utensils ang maririnig.
"About sa nangyare kanina..." biglang nagsalita siya.
Hininto ko ang pagsubo ko at itinuon ang atensyon sa kanya.
"Totoo." tuloy niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"I'm sorry, nagkaroon ka nang boarding mat na bakla." sabi niya.
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Bakit ka nag so-sorry? Okay lang sakin, at isa pa kahit anong gender kapa tanggap kita. Kasi kaibigan kita." sagot ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Okay lang no, ano kaba." tuloy ko.
"Salamat, ci." aniya at kahit anong oras ay iiyak na siya.
"Choss wala yun no, tagal na nating magkaibigan ngayon pako mandidiri sayo?"
"Salamat talaga." sabi niya ulit.
Kaya ngiti nalang ang isinagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Nasa kama nako, habang nasa kusina pa si Lewis, naghuhugas ng plato. I do some my homework, and then do some rest.
"Goodnight, wis!" aniya ko sa kanya at ganon din ang sinagot niya.