Prologue

1532 Words
" Uy Calli, tara na sa basketball court dali! " tili ni Janna pagpasok ng aming bahay, nadatnan niya ako sa sala at nakaupo sa sofa habang hinihintay siya. " Kanina pa ako naghihintay sayo Janna Percila Santos. " sabi ko saka isonuot ang eye glasses ko na nasa center table, napanguso naman ito. " Halika na, dali! Baka dumating na ng mga makakalaro nila Vinny. " excited niting sabi saka ako hinila. " Ma, sa basketball court lang po kami. " sigaw ko kay mama na nasa kusina yata. " Ingat nak! " sigaw din nito bago ako tuluyang nahila ni Janna palabas ng bahay. " Janna, hindi rin halatang gusto mo si Vincent noh? Ganyan talaga suot mo, lavi e. " komento ko sa suot niya, nakapang cheerleader kasi ito na damit. Maganda si Janna, medyo masungit lang ang mukha niya pero mabait siya at kasundo ko sa lahat ng bagay. Mahaba ang buhok nito na unat na unat na laging nakatali. Marunong siyang magdala ng damit at magaling mag-ayos ng sarili. Matangkad siya at para siyang model kung titignan. Samantalang ako ay maliit lamang ako, may kapayatan din at sakto lamang ang kulay ng aking balat. Kulot ang buhok ko, pinakulot ko lamang ito at nakasuot pa ako ng eye glasses tapos may braces pa. Nakasuot ako ng croptop na puti at sexy short na nakasanayan kong outfit kapag manunuod ng laro dito sa basketball court. " Hindi ka na nasanay sa akin. " wika nito, malapit lang naman ang basketball court sa bahay namin kaya nilalakad lamang namin to. " Sinong kalaro nila? " tanong ko. " Dayo daw e, mga taga kabilang school. Meyers University. " Ibig sabihin may kaya sila, malaki ang school na yun at magkakatabi ang elementary, highschool at college. Iisa kasi ang may ari at may kabigatan ang tuition fee. Kaya naman ng parents ko na pag-aralin ako doon, doon nga nag-aral si kuya Adam at nag-aaral pa rin doon si kuya Ryan at kuya Rafa ng college. Ayaw ko lang doon kasi wala doon sina Janna at Vincent. Pagdating namin doon ay umupo kami sa bleechers, agad naman kaming nilapitan nila Vincent. " Hi Princess! Hi Janna. " bati nilang lahat, ewan ko ba sa mga siraulong to at princess ang tawag nila sa akin. " Huy wag niyo kaming ipapahiya ha! " wika ni Janna. " Sus, kami pa ba? " pagyayabang ni Oliver. " Andyan na sila! " napatingin kami sa entrance at doon ay pumasok ang limang lalaki, gwapo ang mga ito at halatang mga rich kid. Natuon ang paningin ko sa isa sa kanila, gayang-gaya niya yung make up ni Joker. Anong trip nito? Maglalaro ng basketball tapos ganun ang mukha, siguro idol niya si Joker. " Tara! " wika ni Vincent at lumapit sa mga ito at nag-usap sila. Hanggang sa nagsimula na ang laro at lamang sila Vincent kaya tuwang tuwa kami sa pagcheer. " Uuwing talunan! Uuwing talunan! " sigaw naming mg nanonood. Gusto lqng namin silang asarin para lalo silang madistract at mawala ang focus sa laro. " Go Vinny! Go Oliver! " sigaw pa naming muli. " Vincent, ipasok mo ng tres. Nanonood ng iyong prinsesa! " sigaw ng baklang si Joel na ikinatawa namin. " Calli, tignan mo ang isang yun oh! Yung kamukha ni Joker. Panay ang sulyap sayo, nakakatakot ag mukha pero mahahalatang gwapo, mukhang nabibighani sa mukha ng aming prinsesa. " kinikilig na bulong ni Janna, agad kong sinundan ng tingin ang tinutukoy niya. Gwapo ito pero hindi siya yung tipo ko, para siyang bad boy dahil sa ginawa niya sa mukha niya at ang angas din kumilos. Agad akong umiwas ng tingin nang sulyapan niya ako. " May iba na akong gusto. " wika ko. Actually, crush ko si Vincent pero hindi ganun kalalim na tulad ni Janna. Dahil may isang tao akong hinihintay, isang taong nangako sa akin na babalikan ako. Nang tumagal ay nalamangan na ang score nila Vincent kaya natahimik kaming lahat at kabadong nanonood. Yumabang naman ang mga kalaban at panay ang ngisi ng mga ito lalo na kapag nakakashoot yung lalaking sinasabi ni Janna na panay ang tingin sa akin. Napasimangot kami nang matalo nga sa laro sina Vincent, bagsak naman ang balikat nilang lumapit sa amin habang ang mga kalaban ay lumapit sa amin. " So ano? Sa Sabado ulit? " tanong ng isa. " Game! " palabang wika ni Vincent. " Good, magpalakas kayo! " pagyayabang ng lalaki na ikinatingin ko sa kanya at sa mata niya ako napatitig. His eyes looks familiar, parang nakita ko na siya dati simewhere. Tumingin pa ito sa akin at ngumisi bago sila umalis. Kinilabutan ako! " Ang yayabang! " naiinis na wika ni Janna. " Hayaan niyo na, para sa akin kayo pa rin ng pinakamagaling. " napangiti naman sila sa sinabi ko. " Calli, ihatid ka na namin. " wika ni Vincent. " Tara, nagluto si mama ng meryenda. Sama ka na rin Oliver. " saad ko. " Yun! Ang sarap talaga magkaroon ng kaibigang mapera. " wika ni Oliver na ikinatawa ko. " Hindi ako mapera noh, ang magulang ko lang. " saad ko at naglakad na kami papaalis. " Nakakainis talaga yung mga kalaban niyo kanina, ang yayabang. " wika ni Janna habang nasa terrace kami ng aming bahay at kasalukuyang kumakain ng luto ni mama na carbonara, paborito naming apat. " Sinabi mo pa, parang siraulo pa yung isa. Idol ata si Joker. " natatawang wika ni Oliver sabay inom ng kanyang juice. " Hayaan niyo na, puro yabang lang naman sila. Sigurado, sa susunod na laban ay ilalamaso na natin sila. " wika ni Vincent. " Oo nga, pasalamat sila at masama ang pakiramdam mo. " sabi ni Oliver na ikinakunot ng noo ko. " Anong nangyari? " tanong ni Janna dito? " Okay ka lang? " tanong ko naman saka sinipat ang kanyang noo na ikinahinto niya sa pagkain at napatingin sa akin. Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman ang mataas na temperatura nito. " Siraulo ka ba? Bakit ka pa naglaro, masama may lagnat ka pala. " sermon ko dito. " Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam ko, ayaw mawala kaya inilaro ko baka sakaling kapag pinagpawisan ako gumaan pakiramdam ko. " nasapo ko ang aking noo. " Vinny, dapat nagpatingin ka sa Doctor hindi yung naglaro ka. " wika ni Janna na ikinakamot sa ulo ni Vincent. " Ayan, dalawa na ang sezermon sayo. " natatawang wika ni Oliver. " Huy, pagkatapos mo dito uwi ka na agad at magpahinga ha! Uminom ka ng gamot. " sabi ko. " Yes mam! " sagot nito na ikina-ikot ng mata ko. " Wag kang mag-alala, ihahatid namin siya ni Oliver. " sabi ni Janna. " Mabuti pa nga! " sabi ko. " Teka, malapit na ang bakasyon. Saan tayo? " tanong ni Oliver. " Mag beach naman tayo, ang tagal na yung last na punta natin ng beach e. Puro na lang Enchanted Kingdom at Star City ang pinapasyalan natin. " suggest ni Janna. " Oo nga, nagsasawa na ako. " segundo ko naman, nagkatinginan si Oliver at Vincent. " Okay lang sa akin. " wika ni Oliver. " Okay, basta make sure na papayagan kayo ha! Saka sa gastos, tulungan. Saka ko na kayo ilibre kapag mayaman na ako. " sabi ni Vincent na ikinatawa namin saka nag-apiran. Mula noon ay lagi nang hinahamon ng mga taga kabilang school sina Vincent sa laro. At palaging ganun ang mukha ng lalaking iyon na diko malaman kung bakit. Minsan ay natatalo sina Vincent at minsan ay nananalo. " Hello ma, asan na po si kuya? " tanong ko kay mama, naghihintay kasi ako dito sa tapat ng school kanina pa kaya tinawagan ko na. " Wala pa nga anak e, ang mabuti pa magcommute ka muna. " " Ah, sige po ma. Bye po. " " Bye anak, ingat! " pinatay ko ang cellphone at napatingin sa paligid. Alas singko na ng hapon, wala kasi si Vincent, hindi pumasok at masama ang pakiramdam. Habang si Janna naman ay may practice pa sila ng syaw at mamaya pa ang uwi nila. Naglakad ako at naghanap ng tricycle nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Napakunot noo ako nang paglingon ko ay nakita ko yung lalaking kalaro nila Vincent ng basketball, yung taga Meyers University na Joker ang mukha. Naka-uniform pa ito at bukaskas ang puting polo kaya kita ko ang pang-ilalim nitong kulay puti. Binilisan ko ang lakad para maghanap ng tricycle pero hindi pa man ako nakakalayo nang may humila ng kamay ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at para akong hihimatayin sa takot. Pakiramdam ko kasi ay may gagawin itong hindi maganda. " B-bakit? " kinakabahan kong tanong. " Y-You dropped your phone. " Natunganga ako nang marinig ang boses niya. Bat ang ganda ng boses niya? Kabaliktaran sa itsura niya. " Miss? " untag nito, napatingin ako sa kamay niyang hawak ang cellphone ko. " ah, salamat! " wika ko at kinuha ang cellphone saka tumakbo papalayo. Nakakatakot kasi siya pero kapag napapatingin ako sa mga mata niya, pakiramdam ko mabuti naman siyang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD