IVO
" May nakaperfect score na? " tanong ni Zach kay Jazzie na kararating lang, kasalukuyan naming chini-check ni Jazzie ang mga test papers.
" Mmm.. wala pa, mukhang katulad noong nakaraang taon, wala pa ring makakaperfect score. " sagot ni Jazzie.
" Nacheck niyo na yung kay Calli? yung kaibigan ni Sophie. Sabi ni Sophie, matalino daw yun. " sabi ni Zach.
" Wala pa, baka nasa dulo pa. " sagot ni Jazzie.
" Saan ka galing? " singit ko na ikinalingon niya sa akin, napabuga ito ng hangin.
" Pinuntahan ko si Sophie. " sagot niya, lagi na lang nagtatalo ng dalawang to kaya hindi ko alam kung may relasyon ba talaga sila o wala. Minsan, hindi ko rin masisi si Sophie dahil pilit itinatago ni Zach ng relasyon nila.
" Hindi pa rin kayo nagkakaayos? " tanong ni Jazzie, umiling naman si Zach.
" Kung mahal mo kasi ang babaeng yun, bakit kailangan mong itago ng relasyon niyo? " tanong ko, napabuga ito ng hngin at umupo sa sofa.
" Gusto ko lang siyang protektahan. " sagot nito na ikina-iling ko.
" Magagawa mo parin naman siyang protektahan kahit alam n ng lahat ng tungkol sa inyo. Isa pa, kahit pa para sa kanya ang ginagawa mong yan hindi mo pa rin maiaalis sa isip niya na baka hindi ganun kalaki ang pagmamahal mo sa kanya kaya nakakaya mo siyang itago. " tinignan nila ako na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ito ang unang pagkakataon na nangialam ako sa problema nila at nagbigay ng advice kaya diko sila masisisi.
" Ikaw ba yan? Anong nakain mo? " natatawang sabi ni Zach, napailing na lang ako.
" Uy, papel to ni Calli. " napalingon ako kay Jazzie, sinimulan na nitong icheck ang papel.
Sa totoo lang she's annoying but very different with other girls. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala nng sabihin niyang gusto niya ako. Seriously? after all evilness i did to her?
" Sayang.. perfect score na sana. Bakit naman sa birthday pa ni Ivo siya namali. " mabilis akong lumapit kay Jazzie at akmang lalagyan niya na ito ng ekis nang agawin ko na ikinagulat niya, maging si Zach ay nagulat din.
Hindi ko sila pinansin, napatingin ako sa papel ng Calli na yun at tinignan ang knyang sagot. April 15 2002, ang nakalagay na sagot niya. Saan naman niya napulot ang sagot niya? April 14 2002 ang birthday ko e. Kinuha ko ang ballpen na hawak ni Jazzie na tila wala pa rin sa sarili, nilagyan ko ng check ang sagot ni Calli.
" Hey bro.. seryuso kaba diyan? " tanong ni Zach.
" Oo nga Ivo, anong nakain mo? mukhang interesado ka sa babaeng yun ah. " sabi rin ni Jazzie, ngumiti ako at tinitigan ang papel.
" Gusto daw niya ako e, tignan ko lang kung hanggang kailan niya ako magugustuhan. " sabi ko with evil smile.
" Talaga? sinabi niya sayo yun mismo? " tanong ni Zach, tumango naman ako.
" As in sa harap mo? at hindi sa love letter? " pagkukumpirma ni Jazzie, muli akong tumango at inilaag ng papel sa harap niya at bumalik sa aking puwesto.
" Kakaiba rin talaga ang babaeng yun ah! Kaya naman pala bigla kang naging ganyan. " nakangising wika ni Jazzie. Wala pa kasing babaeng naglakas loob na magsabi sa akin mismo na gusto niya ako, lahat sila puro sa love letter dinadaan na ikinaiinis ko. Hindi sa ayaw ko sa love letter, naiinis lang ako dahil kailangan ko pang manghula kung sino ang nagsulat kahit na may pangalan, hindi naman lahat ng estudyante dito kilala ko ang mukha.
" Hindi ka pa aalis Zach? " tanong ko kay Zach.
" Ha? bakit? " takang tanong nito.
" Baka lang gusto mong makipag ayos sa girlfriend mo. " sagot ko, napabuga ito ng hangin.
" Wag na muna, nakakapagod rin siya. Ako palagi ang mali e. " sagot nito.
" Dahil ikaw naman talaga ng mali. " sabay naming sabi ni Jazzie, nagkatinginan kami at napangiti.
" Psh! " sabi lang ni Zach.
" Nakita ko pala si Sophie noong araw ng examination, mukhang masama yata ang pakiramdam kaya hinatid ng isang lalaki. Mukhang bagong kakilala niya. " sabi ni Jazzie, kita ko ang gulat sa mga mata ni Zach at halatang nakaramdam ito ng konsensiya. Serves him, right? Wag lang sana itong magsisi kapag huli na ang lahat.
Mukhang nawawala na talaga ang pagmamahal nila para sa isa't-isa. Si Zach madalas abala sa pag-aaral at sa negosyo nila habang si Sophie ay tila napagod na sa paghihintay sa kanya.
Nang minsan nga ay nakita ko itong basang-basa ng ulan sa daan, isasakay ko na sana dahil kahit medyo masungit yun sa akin ay girlfriend pa rin siya ni Zach, ngunit naunahan ako ng isang lalaki.
Mula noon, lagi ko na silang nakikitang magkasama. Tapos noong araw ng examination, narinig kong nakiusap si Sophie na ihatid siya pauwi ni Zach dahil masama ang pakiramdam kaso ang gagong si Zach hindi siya pinansin at akala yata ay nag-iinarte para bigyan siya ng oras. Hanggang sa nakita kong hinatid ito ng lalaki, ang alam ko sa engineering department yung lalaki at first year college din.
" Gawin niya ang gusto niya, total hindi na siya bata. " sabi ni Zach, na ikina-iling nmin ni Jazzie.
" Sana wag mong hintaying mahuli ang lahat. " sabay naming sabi ni Jazzie, aywan ko ba s lalaking to at tila pareho kami ng naiisip ngayon.
" Kanina ko pa kayo napapansin ha! Mukhang nais niyo talaga akong pagtulungan. Makaalis na nga. " sabi ni Zach at tumayo na, huminto ito nang makatapat sa akin.
" You're back man. " nakangiting sabi nito saka tinapik ang aking balikat bago tuluyang lumabas na ikinakunot ng aking noo. Ano bng sinasabi ng lalaking yon?
" Ngayon lang kasi tayo ulit nagkausap ng ganito. Dati kasi halos puro tayo pagtatalo at hindi ka masiyadong nagsasalita. But now, nagagawa mo na ring ngumiti. We're hoping that you'll stay like this forever. " sabi ni Jazzie na ikinatahimik ko.
I really want to be like this pero hindi ko mapigilang maging masama just because of guilt. Guilt na noon hanggang ngayon ay pumapatay sa pagkatao ko kahit na wala naman akong kasalanan.