Chapter 2

1866 Words
Naaalala ko pa noong una kaming magkita, naglayas ako noon sa amin at siya ang unang taong nagtanong kung okay lang ba ako . Tinulungan niya rin akong makahanap ng matitirahan. FLASHBACK... " Calli, what are you doing? Bakit may mga dala kang gamit? " tanong ni mama nang bumaba ako ng kwarto dala ang aking maleta na puno ng damit ko. " I'm tired of this family! Kung patuloy lang akong mananatili dito, baka mabaliw lang ako. " sabi ko at hinila ang maleta pero mabilis niya akong hinarang at akmang hahawakan ako pero mabilis akong nakalayo. " Don't touch me! Ayaw kong mahawakan! " sigaw ko, saktong dumating din sina kuya at papa. " What's happening here! " tanong ni papa at napatingin sa aking maleta. " Anak naman, don't do this! I'm begging you! " iyak ni mama kaya pati ako ay nahawa na din sa iyak niya. " Please let me get out of this house..... Ayaw ko na kayong makasama at makita.... Sa tuwing nakikita ko kayo.... bumabalik sa isip ko kung paano niyo ako sinira..... Kung paano niyo ako pinabayaan... Kung paano niyo itinago ang tungkol sa kalagayan ko... Para ano?... Para sa image ng pamilya? Para sa kandidatura ni papa? " paglalabas ko ng sama ng loob ko. " You don't know what you talking about, Calli. " sabat ni kuya Adam na ikinalingon ko dito, hindi na ako nag-abalang punasan ang luha ko dahil patuloy pa rin naman ang pag-agos nito. " Mukhang baliktad yata kuya... Ikaw yata ang hindi mo alam ang sinasabi... " " Calli, tama na anak. Tama na! " pakiusap ni papa at nilingon si kuya Adam. " Adam, please call Dr. Samonte. " sabi ni papa dito na ikinakunot ng aking noo. " I knew it! " pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti ng mapait. " You all think na nababaliw na ako, kaya dapat lang na umalis na ako dito. " dagdag ko. Kilala ko ang doktor na sinasabi ni papa dahil kaibigan ito ng pamilya namin. " No anak, hindi naman porke ipapatingin ka sa Psychiatrist ay baliw ka na. " wika ni mama. " Ganun din yun ma! Kaya kung ayaw niyong tuluyan na nga akong mabaliw, hayaan niyo na akong umalis. " " No! Mas delikado para sayo kung aalis ka, hindi maganda ang lagay mo. " mariing wika ni papa. " Pa please! " sigaw ko. " Pabayaan niyo na ako, ayaw ko sa bahay na to dahil oras-oras naaalala ko lang ang lahat! Hindi ako mabubuhay.... dito at baka sa susunod na araw.... magising na lang kayo na pinatay ko na ang sarili ko. Ang makasama kayo..... isang pahirap para sa akin.... Alam niyo ba yun? " mariin kong sabi, kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanilang mukha. " Anak, please don't do this! " nakikiusap na sabi ni mama at akmang hahawakan ako pero mabilis akong umiwas muli. " Let her go! " napalingon silang lahat kay papa. " Pero pa.. " it was kuya Rafa. " Kung iyon ang ikabubuti niya, then let her go. " he said then turn his back and leave us. Agad ko namang hinila ang maleta ko at naglakad palabas and i'm glad that no one dares to chase me. " Calli anak! " rinig ko pang tawag ni mama pero hindi ko na pinansin. Deretso ako ng alis at naglakad papalaglyo sa bahay at hindi malaman kung saan pupunta. Hanggang sa nakarating ako sa isang playground, umupo ako sa swing at doon umiyak ng umiyak. Hanggang sa may lumapit sa akin, isang matangkad na babae at maganda. I think, mas matand lang ito ng tatlo o apat na taon sa akin. " Do you need a friend na masasabihan ng problema? Pwede ako. " nakangiting saad nito, i looked at her. She looks innocent and kind, umupo ito sa katabing swing. " Alam mo, pangarap kong maging Psychiatrist pero ayaw ng parents ko. Kasi gusto nila, ako ang magmanage ng negosyo namin. " Kwento nito, pinunasan ko ang aking mga luha. " Sinunod mo sila? " tanong ko. " Hindi pa, nasa gitna pa lang ako kung saan kailangan kong pumili. Ang negosyo namin o ang pangarap ko. " saad nito. " Ganun ba talaga ang mga magulang? Mas inuuna pang isipin ang ibang bagay kaysa ang anak nila? " tanong ko. " Hindi lahat, i think. Alam mo, ang mga magulang hindi rin yan nila kayang tiisin ang mga anak lalo na kapag nakikita nilang nasasaktan o nahihirapan tayo. They choose to sacrifice their own happiness fo us to be happy. Siguro may mga time lang na hindi nagtutugma yung mga paniniwala natin. " sagot nito. " Sana ganun din ng mga magulang ko. " sabi ko at tumingin sa langit, mukhang uulan na. Wala pa akong matutuluyan. " By looking at you, i'm sure naglayas ka. May matutuluyan ka na ba? " she asked, umiling ako. " Let's go! May nadaanan ako diyan sa di kalayuan kanina na bakanteng boarding house. " tumayo ito. Napabuga ako ng hangin bago tumayo, may ipon naman ako kaya may maipambabayad ako. " I have a car, tara doon sa parking area. " nakangiting sabi nito, ngumiti naman ako at tumango. Naglakad kami papunta sa kotse niya at sumakay. Hindi naman malayo ang tinahak namin at huminto na ang kotse. Napagingin ako sa bahay na hinintuan namin. Wala itong gate at open lang kaya ipinasok niya ang kotse at sabay kaming bumaba. Isang matandang babae ang sumalubong sa amin. " Magandang hapon mga mam. " masayang bati nito, she look nice naman. " Ah, Manang available pa po ang boarding house niyo? Nakita ko po kasi yung nakapaskil sa may puno. " wika ng kasama ko, may maliit kasing puso sa harap sa gilid ng daan. " Ah oo, gusto niyong makita? " tanong nito. " Kung pwede po sana. " " Halina kayo. " nauna ang matandang naglakad paakyat sa hagdan sa gilid patungo sa secondfloor. Maliit lang ang bahay kung titignan at mukhang ang pmilya ng may-ari ang nakatira sa first floor. Pag-akyat namin ay binuksan niya ang pintuan at tumambad sa amin ang malinis at simpleng kwarto. Pumasok kami dito at inikot ang kabuoan, may sarili itong kusina, banyo, may kwarto na single bed ang kama at may maliit ding sala na may Tv. Cute siyang tignan, tamang-tama lang ito para sa akin. " Gusto mo ba? " tanong ng babae na hanggang ngayon ay hindi ko kilala. Ngumiti ako dito at tumango. " Magkano po ang monthly? " tanong ko. " 7500 iha, kasama na doon ang tubig at kuryente. " nakagat ko ang aking ibabang labi. Sampong libo lang yata ang dala ko, siguradong one month advance and one month deposit ito. " Ganun po ba! " " Kukunin mo ba iha? " tanong nito. " Okay lang po ba kung wala munang deposit? Sampong libo lang po kasi talaga ang hawak kong pera. " sagot ko, ngumiti naman ang matanda. " Sige iha, walang problema. " napangiti ako, pagkatapos kong magbayad ay ibinigay ng matanda ang susi at umalis. " Salamat nga pala! " saad ko sa babae, ngumiti naman ito. " I'm Elji " inilahad nito ang palad na ikinalunok ko at agad umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula ang pagkatakot kong mahawakan ako. Basta bigla na lang akong nakaramdam ng takot na mahawakan. " Sorry pero ayaw ko ng nahahawakan ako. " napakunot noo ito pero agad ding nawala iyon. " It's okay! Anong pangalan mo? " she asked. " I'm Calli, Callixta Enrique. " sagot ko, ngumiti naman ito at hindi na nagtanong pa na ikinatuwa ko. " Let's be friends. " agad akong napatingin sa kanya, sa totoo lang ayaw ko na sana magkaroon ng kaibigan dahil takot na akong magtiwala. " Okay ka na ba dito? Pwede kitang pahiramin ng pera kung gusto mo para makalipat ka sa mas maganda. " sabi nito saka umupo sa sofa, umupo din ako. " Okay na ako dito, salamat na lang. Kailangan ko ding magtipid at mag-aaral pa ako sa pasukan, pangkain ko pa. " " If you need a help especially sa pera, don't hesitate to ask me. Here is my calling card, just call me. " saka inabot ang isng pirasong papel na agad ko namang kinuha. " Salamat! " wika ko na lamang. " I'm going para makapag-ayos ka ng gamit mo, isa pa mukhang uulan na rin. " tumango ako at tumayo na ito. " Ingat! " " Can i visit you if i have a time? Wala din kasi akong kaibigan dahil galing pa akong ibng bansa, gusto ko lang ng may makakausap. " napangiti ako at tumango. " Thanks! Bye! " nakangiting saad niya at tuluyan nang umalis. End of flashback.... Mula noon ay naging kaibigan ko na si Elji. Kahit na hindi ko siya masiyadong kinakausap noon ay siya itong laging kumakausap sa akin hanggang sa naging komportable na ako sa kanya. Sinasabi ko lahat sa kanya, siya ang may alam ng lahat ng sekreto ko. Para ko na rin siyang nanay, lagi siyang nandiyan para sa akin. Inikot ko ang tingin sa maliit na tinitirahan ko. Limang taon na ang nakakalipas at limang taon n arin akong ganito. Naglayas kasi ako sa bahay dahil sa nangyari noon na kung pwede ay ayaw ko nang maalala. Gobernador ang aking ama sa lugar na ito at walang nakakaalam na sila ang magulang ko. I hate him, no, i hate them. Si kuya Rafa, kuya Adam, kuya Ryan, si mama lalo na si papa. Lagi nilang sinasabi that i am their princess, that they will take care of me no matter what. I thought they are the one who protect me and faught for me pero mali ako. Nang mga panahong kailangan ko sila, na kailangan ko ang proteksyon nila they left me behind. Mas prinotektahan nila ang image ng pamilya, ang image ni papa dahil nga lumalaban siyang governor noon. Kung may makakaalam nga naman sa nangyari sa akin, baka sumama ang image niya. Baka isipin ng ibang tao na pabaya siyang ama, paano pa kaya sa bayan. No one knows what happened that night dahil mas pinili nilang manahimik. That's why i feel mad at them. Sino bang hindi? Minsan ay pinupuntahan nila ako pero pinagtatabuyan ko sila. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha, mabilis ko itong pinunas at nagtungo sa kwarto. Nagsuot ako ng jogging pants at jacket na lagi kong outfit para narin makaiwas sa mga tao, nagpasya akong lumabas. Nagtungo ako sa isang park na malapit sa boarding house ko at tahimik na pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Masaya sila, sana ganun din ako. Masayang nakikihalubilo, naghahabulan at nagtatawanan. I envy them, they can do what they want ng walang pumipigil at walang kinatatakutan. Gusto ko ring maging normal na tao katulad nila, gusto ko ring maging close sa ibang tao pero dahil takot akong mahawakan ng iba, hindi ko magawa. Ang daya ng mundo, bakit sa akin pa nangyari ang ganito? Wala naman akong nagawang kasalanan para parusahan ako ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD