Chapter 19

1229 Words
Ngayon ang araw ng examination, ang sabi ni Sophie hinahayaan daw si Ivo na gawin ito dahil nakakachallenge din ito sa mga estudyante na mag-aral ng mabuti. " Calli... " napalingon ako kay Sophie, naglalakad kasi ako papunta sa room na pagdadausan ng examination. " Sophie.. " nakangiting wika ko, lumapit naman ito sa akin. " Pinipilit ko si Zach na sabihin kung tungkol saan ang exam kaso ayaw sabihin. Para daw fair. " nakangusong wika nito na ikinatawa ko ng mahina. " Ano kaba, kaya ko yun kaya wag kana sumimangot diyan. " sabi ko na ikinangiti niya. " Sabagay, matalino ka naman e. Goodluck Calli.. fighting! " masayang sabi nito na lalo kong ikinangiti. " Salamat. " " O sige, pumunta kana at baka malate kapa. Bye.. " paalam nito, tumango naman ako bago ito tuluyang makaalis. Pagpasok ko sa room na dadausan ng examination ay punong puno na ito at halos dikit dikit. Naghanap ako ng mauupuan, may nakita akong bakante sa harapan sa may gilid. " Anong ginagawa mo dito? " napalingon ako sa nagsalita, it was Ivo na tila umuusok na naman ang ilong sa galit, sabagay wala namang bago dun. Parang sanay na rin namam ako sa pakikitungo nito sa lahat. " Magtatake ng exam? " nakangiting sagot ko na lalong ikinakunot ng kanyang noo. " And who told you na qualified ka? " masungit nitong tanong. " Well, i am not here kung hindi. " pilosopo kong sagot na lalo niyang ikinainis. " Jazzie, remove her from the list. " sigaw nito kay Jazzie, napatingin naman ito sa akin at ngumiti. " Bakit? natatakot ka bang maperfect ko ang exam? " sarkastikong tanong ko dito, pinasadaan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. " Hmm.. yang itsura mong yan? baka nga maski kalahati hindi mo masagutan. " sabi rin nito na nakipagsukatan pa ng tingin sa akin at wala ni isang nais magpatalo. Kung magpapasindak ako sa kanya, wala akong mapapala. " then, let me take the examination. " pinal na sabi ko at nag iwas ng tingin. " Fine, let's see what you can do. Total ako naman ang magchecheck ng mga sagot niyo. " nakangising sabi nito at tumalikod na, nilingon ko ito at nakaramdam mg pag-aalala. What if, sadyain niyang imali ang mga sagot ko? " Don't worry, kasama niya kami sa pagchecheck. I'll do everything para maging patas ang checking. " napatingin ako kay Jazzie at napangiti sa sinabi nito. " Limang minuto na lang at magsisimula na ang exam kaya magpapaalam na ako. Goodluck Calli. " mabini nitong sabi. " Salamat. " wika ko bago ito umalis. Napabuga ako ng hangin at naikuyom ko ang aking palad sa kaba. Sana lang ay kaya kong sagutan lahat. Hindi nagtagal ay dumating na si Zach. " Good morning. Tulad noong nakaraan ay mayroon lamang kayong 30 minutes para sagutan ang mga tanong. Kapag tumunog ang timer, kailangan ipasa na kaagad ang test paper. Late papers will not be accepted. " paliwanag nito at nagsimula na itong namigay ng mga test paper. " Bawal ang maingay, bawal mangopya at magpakopya. " dagdag pa nito. " F*ck, hindi ko to nareview. " " Gagraduate na rin lang ako, diko pa nararanasang makaperfect dito. " " Wala na agad pag-asa. " " Bat ang hihirap ng mga tanong? " Ilan lamang sa mga ito ang narinig kong bulungan nila nang makakuha ng mg test paper. Nang mabigyan ako ay agad sinuri ng aking mga mata ang test paper at napangiti ako nang makita kung tungkol saan ito. " The time started now, pwede na kayong magsagot. " sabi nito at naupo sa harap upang bantayan ang lahat. Nakangiting sinagutan ko ang mga tanong, ang mga tanong ay tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan at halos puro petsa ang hinihingi. Mayroon itong 100 questions at lahat ay alam ko ang sagot, i'm not history major pero noong highschool kasi ako ay hilig ko ang magbasa ng mga historical books. Diko inaasahang magagamit ko ang mga natutunan. Ngunit nang makarating sa pinakahuling katanungan ay nawala ang ngiti sa aking labi. " F*ck! " mura ko at napakamot sa aking ulo. Tinatanong lang naman kung kailan ang birthday ni Ivo, at yun ang pinaka pinagsisisihan ko na diko itinanong kay Sophie. Lihim akong napatingin sa mga katabi ngunit wala akong nakuhang idea. Mukhang mawawalan pa ng saysay ang mga sagot ko dahil dito sa isng question na ito. Wala na akong choice kundi hulaan ito. Kwinenta ko yung age niya, 2nd year college na siya at isang taon ang agwat namin. " Birthday? " napakunot noo ako sa narinig, pasimple akong sumilip sa aking likod dahil nakatutok ang mata ni Zach sa kanyang cellphone. " October 15 2002 " bulong din ng isang babae, mukhanng magkaibigan ang dalawa. Napangiti ako at agad itong isinulat, sana nga lamang ay tama ang sinabi ng babaeng yun. " Times up. Pass your paper " sabi ni Zach nang tumunog ang bell, kaya nag uunahan ang lahat na magpasa. " Hindi ko natapos. " dismayadong wika ng isang babae habang papalabas kami ng room. " Bat ang hihirap ng tanong? Nakakaloka yung mga dates. " bulong din ng isa. Napangiti ako at mabilis na bumaba ng building at hinanap si Sophie. Ngayon ay Sabado kaya wala kaming klase, hinanap ko si Sophie pero hindi ko ito makita kaya tinawagan ko na lamang, sinagot naman niya kaagad. " Sophie, umuwi kana ba? " tanong ko dito. " Ah sorry, medyo sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Kumusta yung exam? " sagot nito. " Okay naman, okay ka na ba? " nag-aalala kong tanong na ikinatawa niya ng mahina. " Yes i'm okay, don't worry. " sagot nito. " Mabuti naman, sige magpahinga kana. Uuwi na rin ako. " wika ko. " Sige Calli, ingat. " paalam nito bago patayin ang tawag. Naglakad na ako palabas ng school nang bigla na lamang may tumamang bote ng mineral water na maliit sa aking ulo. Napahawak ako sa aking ulo, may laman pa itong kaunti kaya medyo masakit. Tumungin ako sa pinagmulan nito at nakaramdam ako ng inis nang makita si Ivo na nakangisi. " Ano bang problema mo? " inis na tanong ko dito. " Sabi na e, may gusto ka talaga sa akin. " mahangin na sabi nito n ikinakunit ng aking noo. " Ang kapal naman ng mukha mo. " sabi ko na ikinangisi niya habang ang mga mata ay tila mangangain ng tao. " Kung hindi mo ako gusto, bakit ka sumali sa examination? " tanong nito, napalunok ako at nag iwas ng tingin. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? Baka mas lalo lang magalit to kapag sinabi ko na kaya ako lumalapit ay sila ang nais kong gawan ng kwento. " A-anoo... kasi... hmm.. " hindi ko malaman ang sasabihin. " Don't deny it, alam ko naman na walang sino man ang kayang pigilang magkagusto sa akin. Sa gwapo ko ba namang ito. " napabuntong hininga ako, napakayabang na nga masama pa ang ugali. " Fine, gusto kita. Okay na? " sagot ko, kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata pero sandali lamang ito at muling bumalik ang matatalim niyang tingin. " Mali ka ng ginusto, maling-mali. " wika nito at nilampasan na ako, napailing na lang ako at nagmamadaling umalis. Nakakaloka siyang kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD