Napalunok ako at napahinga ng maluwag, i need to talk to Elji. Magpapasama akong magpacheck up, mukhang nababaliw na ako e. Bakit ba ang gwapo niya sa paningin ko kahit na sobrang sama ng tingin nito sa akin?
Epekto ba ito ng sakit ko?
Mabilis akong sumakay sa aking motor at umuwi. Pagkauwi sa tinitirahan ko ay tinawagan ko si Elji.
" Hello, Calli. May problema ba? " tanong nito sa akin nang sagutin ang aking tawag.
" I think i need to see a doctor, pwede mo ba akong samahan? " tanong ko dito at umupo sa aking sofa.
" Why? anong nararamdaman mo? " nag-aalalang tanong nito.
" I felt strange... i don't know what's really happening.. i..... i think.. lumalala na ang sakit ko. " sagot ko.
" What? " nag-aalalang tanong nito.
" W-wait for me, pupunta ako diyan. " tila nagmamadaling wika nito.
" No... I'm o- " diko na naituloy ang sasabihin dahil pinatay na nito ang tawag. Nagpasya akong magshower muna at magbihis. Nang matapos ay kinuha ko ang aking ballpen at notebook.
" Mabilis at malakas na pagtibok ng puso. Panginginig, pagkatulala, pagpipigil ng hininga... ano pa ba? " sabi ko habang isinusulat ang mga nararamdaman sa notebook.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumukas ang pintuan na ikinagulat ko, iniluwa nito si Elji na may pag-aalala sa mukha. Mabilis itong lumapit sa akin at sinuri ako.
" What do you feel? are you okay? what do you need? gusto mo dalhin kita sa ospital? no... papuntahin ko na lang dito yung- "
" Elji... Elji... kumalma ka nga. " sabi ko dito na ikinahinto, napabuga ito ng hangin at napaupo sa aking tabi. Kaya mahal ko ang babaeng to e, dahil hindi lang basta kaibigan ang turing niya sa akin kundi para na ring kapatid.
" Now tell me.. " seryusong sabi nito, napatingin ako sa notebook. Kinuha ko ito at ipinakita sa kanya ang sinulat ko kanina. Binasa niya ito at kunot noong tinignan ako.
" What is this? " nagtatakang tanong nito.
" I... hmm.. that's what i feel. " sabi ko at nakagat ko ang ibabang labi. Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala at napakunot noo ako nng ngumiti ito.
" Calli, tell me. Ito ba ay nararamdaman mo kapag napapalapit ka sa isang tao? " tanong nito, nagtatakang tumango ako.
" Nararamdaman mo rin ba ito sa iba bukod sa kanya? " tanong nito, umiling naman ako na lalo niyang ikinangiti.
" Kailan mo pa ito naramdaman? " tanong niya.
" Noong una kaming magkita. Ewan ko ba, bigla na lang ako natulala at para akong nahepnotismo at nahumaling sa kagwapuhan niya kahit na ang sama sama ng tingin niya sa akin. " sagot ko, napangiti itong lalo.
" I think.. "
" What if, may ginawa sa akin ang lalaking yun kaya ako nagkakaganito? " tanong ko na ikinatawa niya ng malakas, kumunit ang aking noo.
" Pwede ba Elji, tumawag ako sayo para humungi ng tulong hindi para pagtawanan mo. Totoo nga kasi ang mga sinasa- "
" I think you like him. " parang isang bombang sumabog sa pandinig ko ang narinig. Napakurap-kurap ako at tinignan siya ng tila hindi makapaniwala.
" W-what? " tanong ko, ngumiti ito.
" You're attracted to him, you like him. " kumpirma nito, napailing ako at tumawa ng pagak.
" Pwede bang wag kang magbiro ng ganyan? hindi nakakatuwa. Isa pa, ang sama kaya ng ugali ng taong yun sa akin. Bakit naman siya pa ang magugustuhan ko. For sure, nagkakamali ka lang. " sabi ko.
" Isang sign din yan. " nakangising sabi nito na ikinakunot ng aking noo.
" Sign ang alin? " tanong ko.
" Yang pagdedeny mo. " natatawang sabi nito, inirapan ko ito.
" Alis na.. hindi ka nakakatulong. " pagtataboy ko dito na lalo niyang ikinatawa.
" O siya, maayos ka naman pala. Aalis na ako. Bye. " paalam nito at kumaway pa bago lumabas ng pintuan.
Napabuga ako ng hangin. Totoo kaya? pero imposible. Bakit siya pa? marami naman diyang iba. Kung si Jazzie pwede pa e.
Kinuha ko ang aking laptop at ipinunta ko sa google. Tumipa ako sa keyboard.
Sign that you like someone.
Nakagat ko ang aking ibabang labi bago pindutin ang enter. Kaagad namang may mga naglabasan, pumili ako at binasa.
9 SIGNS THAT YOU’RE FALLING IN LOVE, ACCORDING TO PSYCHOLOGY
1. You can’t stop staring at them.
Napalunok ako, hindi ko maalis alis ang tingin sa kanya kapag lumalapit siya sa akin e.
2. You abandon your usual activities.
It's a NO. For sure, mali talaga si Elji.
3. You don’t mind when they do something unattractive.
Napaisip ako at muli akong napalunok nang marealize na kahit ang sama ng tingin niya sa akin, kahit na lagi siyang masungit at binato pa ako ng bola noong nakaraan ay parang balewala lang ang mga iyon sa akin.
4. Time flies when you’re together.
NO.
5. They can do no wrong.
Parang nakatatak na sa isip ko na isa siyang mabuting tao at nagpapanggap lang na masama. Siguro dahil sa pagligtas niya sa akin noong una kaming magkita.
6. You feel unusually optimistic.
hmmm... i think hindi naman.
7. You want to touch and kiss them.
Ofcourse not. Napailing ako.
8. You always think about them.
Hindi naman palagi, naiisip ko lang siya kapag nag-iisip ako ng pwede kong gawing plot para sa kwento ko. Oo, tama, yun nga.
9. You want them to be happy.
hmmm.. hindi?
" 3 out of 9. " napangiti ako, siguro nagkataon lang yung tatlo. Tama, hindi ko siya gusto. Nagkamali lang si Elji, siguro yung malakas at mabilis na t***k ng puso ko ay dahil sa kaba na baka hawakan niya ako. Oo yun nga yon..