Chapter 6

951 Words
Ipinark ko ang aking motor sa may parking lot at mabilis na bumaba. Dahil 1st day pa lamang ay hindi pa halos naka-uniform ang lahat. Sabi nila, they give one week for the new students para mai-prepare ang kanilang mga uniform. Kaya next week pa sila magpapa-uniform, akmang papasok na ako nang harangin ako ng guard na ikinakunot mg aking noo. " Neng, sino ang pupuntahan mo sa loob? bawal ang bata rito. " wika ng guard na ikinabuga ko ng hangin, gustong-gusto ko na siyang tarayan. " Kuyang guard, estudyante po ako dito. " sabi ko, hindi naman ako ganun kaliit para isipin nilang elementary ako diba? Highschool matatanggap ko pa e. " May id ka ba? " nagdududang tanong ng guard, binuksan ko ang aking bag at kinuha ang aking id. " Wala pa po akong school id, dahil hindi pa nagbibigay ang school pero i have drivers license here. " sabi ko at iniabot sa kanya ang id na agad niyang tinignan. Pagakatapos tignan ito ay tinignan niya ako ng natatawa. Lord, habaan mo po ang pasensiya ko. Masamang magsungit sa mas nakakatanda. " Pasensiya kana, ang liit mo kasi. O siya, pumasok kana. " natatawang sabi nito sabay abot sa akin ng aking ID, pilit akong ngumiti dito saka pumasok na lamang. Inikot ng aking mga mata ang buong paligid at hindi malaman kung saan ako tutungo. Malawak ang school at may mga nakapaskil sa mga pader kung saan makikita ang mga rooms ng bawat department o kurso. Pagkakita ko sa nakasulat kung nasaan ang Bachelors of Arts in Sociology ay agad ko itong tinungo. Isa-isa kong tinitignan ang mga rooms para mahanap ang aking room nang makarinig ng mahinang tahol ng aso. Napangiti ako nang marinig ito, amg cute ng tahol at hindi siya nakakatakot. Mukhang tuta pa ito, inikot ng paningin ko ang buong paligid upang hanapin ito at nakita ko ito sa di kalayuan na nakamasid sa akin at ako pala ang tinatahulan. Isa itong pomerenian na kulat puti at napakabalbon, tila kay sarap naman niyang kargahin. Napangiti ako at lumapit dito na galit na galit parin sa akin. " Wag kang magalit sa akin, mabait naman ako. " natutuwang sabi ko dito habang patuloy siyang nilalapitan pero tahol parin ng tahol. Maaga pa naman, isa pa unang araw pa lang ng klase kaya okay lang malate. Naalala ko na bumili pala ako ng tinapay sa bakery kanina, favorite ko kasi ang bakery na yun at lagi akong bumibili ng tinapay nila. Bumili ako kanina dahil hindi pa ako kumakain ng agahan, in case lang na magutom ako. Kailangan ko ring magtipid muna, hindi ganun kalaki amg kinikita ko sa pagsusulat. Binuksan ko ang aking bag at kumuha ng isang pirasong tinapay na ikinatahimik ng aso kaya napangiti ako. Plain bread lang naman ito, siguro naman hindi bawal sa kanya. " You want? " natutuwang sabi ko saka umupo at kumuha ng maliit na piraso at sinubukang ilapit sa kanya. Ginalaw galaw niya ang kanyang buntot at masayang lumapit at sinubo ang inaabot kong tinapay na ikinangiti ko. Hinaplos ko ito lalo siyang sumiksik sa akin na ikinatawa ko. Kumuha ulit ako ng tinapay at isinubo dito. " Asan ang amo mo? " natutuwang tanong ko dito habang hinihimas ito. Para namang sasagutin ako ng aso. " Sunflower.... sunflower... " kumunot ang aking noo nang may nagtatawag ng sunflower, nilingon ko ang paligid at nakita ang isang lalaking palapit sa akin. " Sunflower... andito ka lang pala, ikaw talaga. " sabi nito na nakatingin sa aso. Ah sunflower pala ang pangalan. Napatingin sa akin ang lalaki at ngumiti ito na ikinalunok ko. Ang gwapo nito, para siyang artista. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang gagawin o sasabihin. " Sunflower.. halika na dito, hinahanap kana ng masungit mong amo. " wika ng lalaki at tuluyan nang lumapit sa amin, akmang kukunin niya ang aso nang magsumiksik sa akin ang aso na ikinangiti ko. " Pasensiya kana ha! Manang-mana kasi ang asong yan sa kanyang amo, ma-attitude. " sabi nito, ngumiti naman ako at hinaplos ang aso. " Okay lang.. " sagot ko. " By the way, estudyante ka dito? " tanong niya, nakangiting tumango naman ako. " Oh! I'm Jazzie Calderon " wika nito at ini-abot ang palad na ikinabura ng aking mga ngiti. I badly want to accept his hands pero paano? Binalot ako ng kaba at nakatingin lang sa kanyang palad na ikinakunot ng noo niya. " You okay? " tanong nito na ikinatingin ko sa gwapo niyang mukha. " Ah yeah! hindi lang kasi ako nakikipag shake hands. " i said then bit my lower lip, tumango tango naman ito. " Hindi na ako magtatanong kung bakit dahil hindi mo naman ako ka-anu ano. But, can i know your name instead? " sabi nito na ikinangiti ko. " I'm Calli Enrique. " sagot ko. " Nice name.. Anong kurso mo? " yanong nito. " Ahmm.. Bachelor of Arts in Sociology, 1st year. " sagot ko. " Ako naman is Business management, 2nd year. " sabi nito saka nilingon ang aso. " Pasensiya kana ha! we have to go na, masungit kasi ang may-ari ng asong to. " sabi nito. Saka may kinuha s bulsang dog food yata. " It's okay! " sagot ko dito. " Sunflower... " tawag niya sa aso at ipinakita ang dog snack, nang lingunin siya ng aso at makita amg hawak niya ay agad siya nitong nilapitan at ginalaw galaw pa ang buntot. Nakakatawa naman tong asong ito, nasusuhulan. Kinarga na ito ng lalaki saka tumayo at muli akong tinignan kaya tumayo na rin ako. " Bye Calli.. " nakangiting wika nito, i just nodded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD