Chapter 4

1642 Words
Ilang araw ng nag-iisip si Elijah sa dapat niyang gawin tungkol sa kundisyong hinihingi ng kaniyang Lolo. Wala naman sanang problema sa mga babae dahil alam niyang sa dami ng mga naghahabol sa kaniya ay puwede siyang humugot sa mga ito na pakasalan niya at iharap sa matanda. Pero hindi niya kayang magpatali sa isang taong hindi naman niya mahal at higit sa lahat ay may phobia na siya sa bagay na iyan.                        Hanggang sa sumapit ang pagdating ni Jethro. Kinabukasan ay agad silang nagkita sa isang bar sa Makati at idinaing niya sa kaibigan ang kaniyang problema.                        “Napakadali lang niyang problema mo, pare. Uso na uso naman ngayon ang mga wife for rent, ah.” Suhestiyon ng kaibigan.                        “Wife for rent?”                         “Aalukin mo ng malaking halaga ‘yong babae para pakasalan ka.”                         Pinandilatan niya ng mata ang kausap. “I knew it. Ang tinatanong ko ay kung saan naman tayo hahagilap ng ganong babae?” Tumungga siya ng alak. “And besides, hindi ko rin yata kakayaning magmahal pa ulit.”                        Tila nang-aasar na tumawa si Jethro. “Wala namang love na dapat mamagitan sa ganong set up eh. It’s purely business.”                         “Kaso alam mo naman dito sa Pilipinas. Walang divorce dito. May annulment nga pero taon pa ang bibilangin mo bago ito mangyari.” Nang bigla siyang may maalala. “Actually, that’s not really my problem. Nabanggit din kasi sa’kin ni Lolo na gusto na niyang magka-apo.”                        Napatigil sa pagtungga ng alak ang kaibigan niya. “Problema nga ‘yan. Pero kung ako sa’yo saka mo na isipin ‘yan. Ang importante ay makahanap tayo ng babaeng papakasalan mo.”                     “Yeah. Pero gusto ko ‘yong medyo liberated at practical. Iyong hindi maghahabol pagkatapos ng kontrata namin.”                       “Ibig sabihin ba niyan ay pagbibigyan mo na talaga ang kundisyon ng Lolo mo? Handa ka ng makisama sa isang stranger woman?”                         “I don’n want to disappoint him. Oras na rin siguro para family ko naman ang intindihin ko. I've already spent a lot of time on myself. At kahit sinasabi sa’kin ni Lolo na handa niyang ibigay kay Aldrin ang hotel kapag ito ang unang nakapag-asawa, ay batid kong ako pa rin ang gustong-gusto niyang magmana lahat ng pinaghirapan niya. He’s just too kind para maging unfair sa isa pa niyang apo. That’s why he’s doing it.”                      “Yeah right.” Tinapik siya ni Jethro sa balikat. “At tama ang desisyon mong ‘yan. Malay mo ‘yong babae pala na makuha mo ay siya na ang destiny mo. Eh di jackpot ka! Natuwa na sa’’yo ang Lolo mo at nakuha mo na ang hotel, natagpuan mo pa si Ms. Right Woman.”                      “Kung may natutunan man ako sa Singapore, iyon ay ang pagiging practical. Siguro naman five months is enough para sa kontrata namin ng makukuha kong wife-for-rent. By that time siguro ay nakuha ko na ulit ang tiwala sa’kin ng mga taga-Montano hotel. After that, saka ko na ipapa-annul ‘yong kasal namin. Maiintindihan naman siguro ni Lolo kapag nakita niyang hindi nagwo-work ang relationship namin. Saka ko na iisipin ang kahilingan niya na apo.” Desididong pahayag ni Elijah.                          Tumango-tango si Jethro. “Nice idea. And in that case, puwede kitang tulungan kung saan ka puwedeng makakuha ng wife for rent.”                       “Contractual wife for exact term.” Napapailing na wika ni Elijah.                        “Okay. Contractual wife, rather. Natatandaan mo ba ‘yong family driver naming na si Mang Gusting?” Tumango siya. “Taga-squatter ‘yon. Malamang maraming kakilala ‘yan don na agad papayag sa tamang presyo. Idagdag na guwapo ang kaniyang magiging amo.”                        Natawa si Elijah. “Loko-loko ka talaga. Handa akong magbayad kahit magkano basta siguraduhin mo lang na malinis ang babaeng iyon at very safe.”                        “Sira! Siyempre hindi naman kita bibigyan ng G.R.O!”                         “Ikaw ang sira! Ang ibig kong sabihin ay ‘yong walang sabit at hindi maghahabol.” Parehas silang natawa sa di nila pagkakaintindihan. “Talaga ho, Mang Gusting?” Masayang bulalas ni Diana nang sabihin sa kaniya ng matandang kapitbahay na may nahanap na daw itong paraan kung paano siya magkakapera. Hindi rin kasi lingid sa mga ito ang pinagdadaanan ng pamilya niya. Ilang araw na kasing nakaratay sa ospital ang kapatid niya pero hindi pa rin ito naooperahan. Ang sinahod kasi niya nong nakaraang kinsenas at mga na-delihensiya nila Kadyo at Momay ay kulang pa rin dahil pinambili din niya ng mga gamot ng kaniyang Inay.                                      “Oo, Diana! Sabi nong amo ko, napakalaking halaga daw ang makukuha mo don. Kaso medyo matagal ang kontrata. Limang buwan daw.” Anang matanda.                                   “Saglit lang ho ‘yon. Parang kontrata ko lang din ‘yon sa trabaho.” Excited na siya pero hindi pa pala niya natatanong ang kausap kong anong klase itong trabaho. “Pero baka naman ho illegal ‘yon, Mang Gusting.”                                    “Ang batang,ire. Hindi naman kita ipapahamak. At saka matino ‘yong anak ng amo ko. Kagagaling lang non ng Singapore.” Paliwanag ng matanda. “Mabuti pa sumama ka na lang sa’kin bukas don sa bahay nila para siya na magpaliwanag sa’yo dahil hindi rin niya binanggit sa’kin ‘yong magiging trabaho mo.”                                     “Naku! Baka po dalhin ako sa Singapore at gawin doong yaya.” Bulalas niya.                                     “Malay natin! O siya sige, papasok na ako. Basta sigurado ka na ha para maipaalam ko agad sa kaniya.”                                  Simula nong kausapin siya niMang Gusting ay hindi na siya mapakali. Gustong-gusto na niyang makausap ang amo nito dahil kailangan ng maoperahan ni Nene. Kaya naman kinabukasan ay ipinagpaalam siya ni Mang Gusting sa ina niya. Sinabi na rin nila kay Nanay Sita ang totoo.                                Hindi napigilan ni Diana ang malula nang tumigil ang sasakyang dala ni Mang Gusting sa tapat ng malaking bahay sa isang pang-mayamang subdivision sa Makati. Napatingin siya sa suot niyang kupas na pantalon at maluwang na t-shirt habang naka-rubber shoes. Suot-suot din niya ang paboritong sombrero. Nakaramdam tuloy siya ng panliliit pero agad din naman niya iyong binawi.                           Lalo siyang namangha nang makapasok sila sa loob ng bakuran. Mula sa kotse ay nakikita niya ang isang guwapong lalaki na naghihintay sa kanila sa garden. Malamang ito ‘yong sinasabi ni Mang Gusting. “Halika na, Diana  Naghihintay na si Sir.”                          Bago bumaba ng kotse ay ibinalik niya ang tiwala sa sarili. Bumaba siyang nakataas-noo habang siga na naglalakad na animo’y lalaki. Napangiti naman ang lalaki nang makita sila.                        “Sir, siya ‘yong sinasabi ko sa’yo. Si Diana.” Pakilala g matanda. “Diana, siya si Sir Jethro.”                        Tinanguan niya ang lalaki bago inabot ang kamay nitong nakalahad. “Nice to meet you, Diana.”                        “Ganon din ako, sir.” Siga niyang sagot.                        Inalok sila ng upuan na hindi naman niya tinangghihan. Maya-maya ay napatingin siya  pintuan ng bahay. May lumabas doon na isang lalaki na parang pamilyar sa kaniya ang mukha. Napatingin din ito sa kaniya at napakunot-noo. Biglang lumakas ng kabog ng kaniyang dibdib nang matandaan ang taong iyon at marahil ay ganon din ito kaya dali-dali itong lumapit sa kanila. Tumayo din si Diana. “Mang Gusting kailangan ko na hong umalis.” Saka malalaki ang mga hakbang niya papunta sa gate pero narinig niya ang pagsigaw ng lalaki.                         “Don’ t let that criminal run away again!” At bago pa man siya makarating sa gate ay naramdaman  na lamang  niya ang mahigpit na pagkahawak sa kaniyang braso. “Where do you think you’re going?” Anang baritonong boses.                        Pumalag ang dalaga. “Bitiwan mo nga ako kung ayaw mong basagin ko ‘yang pagmumukha mo!” Pilit niyang tinatakpan ng tapang ang kabang nararamdaman.                      “Pare, what are you doing?”                     “Oo nga naman, Sir. Nasasaktan ho si Diana.”                    “Pare, siya ‘yong sinasabi ko sa’yo noon na nandukot ng wallet ko!” Gigil na bulalas ng lalaki. “Sa wakas nakita din kita.”                    “Anong pitaka na sinasabi mo?” Pagmamang-maangan ni Diana.                     “Oo nga, Sir. Mabait ho iyang si Diana. Maaaring mga snatchers ang kaibigan niya pero kilala ko siyang matino. Ako ang magpapatunay niyan sa inyo.” Pagtatanggol sa kaniya ni Mang Gusting.                     “Baka naman nagkakamali ka lang, pare.”                       “I can’t be wrong!” Sigaw pa nito. “Dahil tandang-tanda ko ang sombrero niya, ang mukha niya at ang pananalita niya. Hindi ko makakalimutan ‘yong pang-aaway niya sa’kin dahil hindi ko siya binilhan ng diyaryo. Ikaw talaga ‘yong tomboy na mandurukot! At marahil po Mang Gusting, ‘yong sinasabi niyong mga kaibigan niya ay ‘yong mga kasabwat niya sa pandudukot. Dahil nakita daw iyon ng tinderong nakausap ko doon. Kaya ipapakulong kita.” Kinaladkad siya nito palabas ng gate habang inaawat ng dalawang lalaki.                      Kahit kailan ay wala pang kahit sino ang kumaladkad sa kaniya dahil hindi niya iyon binibigyan ng karapatan kahit pa ang lalaking ito na ginawan niya ng atraso. Tinadyakan niya ang binata. At talagang wala siyang balak na umamin sa kasalanan dahil ayaw niyang makulong.                   “Hoy tarantado! Mag-ingat ka sa pambibintang mo, ha? Baka ikaw ang kasuhan ko!” Dagdag pa ni Diana.                   “Stop pretending dahil huling-huli ka na. Kaya sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!”                   “Ha? Talaga?” Muling banat ng dalaga. “Wala kang sapat na ebidensiya kaya hindi mo magagawa sa’kin ‘yan! Hindi ka pulis para hulihin ako at kahit sila ay hindi puwedeng gawin ‘yon kapag walang search warrant!”                    “That damn evidence and search warrant you are speaking of are useless! Dahil hindi ko na kailangan ‘yan. Ang gusto ko ngayon ay makulong ka!”                     Napatili si Diana nangwalang gatol na binuhat siya nito at isinampa sa kaniyang balikat. Gulat na gulat naman ang mga dalawang lalaki pero wala ring nagawa.                    “Hoy ano ba! Ibaba mo nga ako! Nananantsing ka lang eh!” Pagpupumiglas niya. Pinagsasampal niya ito sa mukha na ikinapikon naman ng binata.                      “Ulitin mo pa at dadagdagan ko ang kaso mo! Saka huwag kang assuming na tsinatsansingan kita dahil naniniguro lang ako na hindi ka tatakas.                       Kahit anong palag ni Diana ay hindi siya nito ibinaba hanggang sa isakay siya ng lalaki sa sasakyan at dinala sa pinakamalapit na presinto. LADY J.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD