"YOUR MOM is here," ani Sage. Ikinamutla niya ang sinabi nito. Sinundan pa rin pala talaga siya ng kanyang ina. Wala talaga itong balak pakawalan siya. "She's looking for you. At ang sabi ni Kyline ay galit na galit daw." Inaasahan na niya ang ganun reaction mula sa ina. She left New York without telling her. At marahil ay galit din ito dahil sa mga kontrata na dapat ay pipirmahan niya na sana, pero nakansela pa dahil sa pag-alis niya. "Ano ba kasing nangyari, Gianna? Did you and your mom argued?" She shook her head. "It's a long story, Sage," sagot niya. "Bullshit!" Gulat siyang napatingin sa kababata. Sa tagal na nilang magkakilala ay ito lang ang unang pagkakataon na narinig niya itong nagmura. Sage stared at her, a look of frustration on his face. "It doesn't matter how long it

