"SO HOW WAS your one week vacation sa resthouse ni Hunter?" tanong ng kapatid niyang si Kyline. Binisita niya ito sa coffee shop nito. He was wearing shades and a cap nang hindi siya masyadong maka-attract ng atensyon. "It was good," matamlay niyang sagot dito. Kumunot naman ang noo nito. "Eh, kung ganun bakit ganyan ang itsura mo? Did you really have fun? How is it going with you and Rainee?" sunud-sunod nitong tanong sa kanya. "Gianna is staying there," aniya at ni isa sa mga tanong nito ay hindi man lang niya sinagot. "She's staying at Hunter's resthouse." "Ha?! Gianna is there?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Kyline. "I thought... hindi ba't ayaw nila sa isa't isa? Lantaran pa nga kung ipakita ng pinsan natin ang pagkadisgusto niya kay Gianna." He steeled his features at

