TULALA SIYA. Hindi niya alam kung panaginip lang ba ang nangyari kanina. Did really Sage confess to her? Parang ang hirap paniwalaan lalo na't pinagmamasdan niya ito at si Rainee na magkayakap habang nanonood ng horror movie. Was he only just playing with her? Pero ang sinabi nito sa kanya ay seryoso ito. What really bothered her was when he told her that he would break up with Rainee. Ito pa ba ang kilala niyang Sage? Dahil sa pagkakakilala niya dito ay hindi nito magagawang sabihin yun. He loved Rainee. Halos paulit-ulit pa nga nitong isinampal sa kanya iyon noon. "Mag-boyfriend ka na din kasi, iha," si Manang Emma. Napalingon siya dito. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. Tumawa lang siya. "Mag-boyfriend ka na kasi," pag-ulit nito sa sin

