MATAGAL na niyang napapansin ang gitara na nasa sulok ng kwarto ni Hunter but she never even once saw him play it. She didn't know how to play guitar but she still took it and started strumming it. Sa pagkakaalam niya ay si Hunter mismo ang nagco-compose ng mga kanta nito. Now she knew who was on his mind when he was composing those songs. It was Rainee. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ito sa buong bahay. Nang hindi niya ito nakita ay lumabas siya ng resthouse at naabutan niya ito sa dalampasigan. Nakaupo ito sa may buhanginan. Nilapitan niya ito at inabot ang dala niyang gitara. Kahit madilim ay alam niyang nakakunot ang noo nito sa kanya. It's his usual expression on her. "I haven't seen you play this guitar," she began and sat beside him. "Sayang naman kung hahayaan mo lang yan sa s

