SHE WAS getting bored. Halos nalibot niya na ang buong rest house ni Hunter. Maski pati bawat sulok. Mamatay siya sa pagkabagot dito. She wished she had something to do here to kill time. Naupo siya sa buhanginan at pinagmasdan ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Wala pa sigurong ilang minuto ay dumating bigla si Manang Emma. "Oh, bakit mag-isa ka lang dito, iha? Nasaan si Hunter?" Napatingin siya dito. "Umalis na po kaninang tanghali. Bumalik na po sa Manila dahil may taping pa po siya," tugon niya at saka ulit ibinalik ang tingin sa dagat. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang matandang babae na naupo sa tabi niya. "Mukhang nababagot ka na," puna nito na siya naman ikinatawa niya. "Oo nga po, eh. Baka mamatay na ako sa pagkabagot dito. Wala rin po akong mapanood na magan

