"SINUNGALING!" Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa kapareha. He gritted his teeth at pinigilan ang sarili na mapahawak sa pisngi niya. Talagang tinotoo nito ang sampal sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako ang pumatay sa kanya? Ang mga ebidensya na mismo ang nagpapatunay na inosente ako." "Hindi ako tanga, Miguel. Evidence can be tampered easily. Alam kong hindi si Jake ang pumatay kay Sir Albert. Kilala ko siya! He was framed. At alam ko na ikaw ang nasa likod nun. So stop giving me that bullshit!" She pulled her arm away from his tight grip. Ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit. "You're unbelievable," aniya. Hindi makapaniwala sa tapang na pinapakita nito sa kanya. "Hindi pa tayo tapos, Miguel. Magkikita ulit tayo at sisiguraduhin kong sa kort

