CHAPTER 12

1416 Words
Kevin. Araw ng Biyernes ay kinakabahan akong bumaba patungong sala dala ang bag ko. Nakatropical shorts ako, puting sando at polo na terno sa shorts at bukas ang lahat ng butones. Pinag-papawisan ako khit sobrang lamig naman sa bahay. Maybe dahil alam kung sasama si Raven. Pahamak naman kasi masyado si Mama! Mabuti nalang at sasama din sila Earn at Sev. Sa isang Beach Resort kami pupunta kasama ang pamilya ni Mama at Papa. Mga tita,tito at mga pinsan ko ang makakasama namin ngayon. Tanging sina Raven, Earn at Sev lang ang nahalo kaya kinakabahan ako. Knowing my realatives, paniguradong tutuksuhin ako ng mga yun kapag nalamang may girlfriend na'ko. Dalawang van ang nasa harap ng aming bahay ngayon. Ang iba kong Tita ay mas piniling gumamit ng sasakyan habang ang iba naman ay nasa Van upang makipagchikahan. "Oh, ready na pala ang bunso ko" pabebeng ani ni Mama na halos ikinaikot ng mga mata ko. Minsan talaga ganito maglambing ang Mama ko. Nakakahiya. "Nasa labas na yung friends mo, kaso hindi ko pa nakikita si Raven" nakanguso niyang ani habang chine-check ang mga bag na dala namin. "Di bale, hindi tayo aalis hangga't hindi dumadating ang girlfriend niyang anak mo" singit ni Tita Keira na ikinalaki ng mga mata ko. "Pano kung hindi pumunta Ta? Mabubulok ang outfit ko rito" gulat kong ani na ikinahalkhak niya. "Hey! Balita ko Merćedez ang girlfriend mo?" nakangising ani ni Lylia na anak ni Tita Keira. "Wow pinatulan ka nun?" dagdag ng kapatid niyang si Eli kaya nakabusangot tuloy akong lumabas ng bahay. Rinig ko pa ang sunod-sunod nilang halakhak kaya halos sumabog ang sa inis. Isa talaga sa mga problema sa pamilya namin ay halos babae ang mga pinsan ko. Da-dalawa na nga lang kaming lalaki nasa States pa yung isa, kaya wala akong nagagawa kapag inaasar nila akong lahat. "Ang ganda ng umaga nakabusangot ka diyan" ani ni Earn nang makalapit ako sa kanila. Di gaya ng suot namin ni Sev na polo ay naka sando lang siya, shorts at may mataas na see-through blazer. Nakakainggit ang bakla. May dala pa siyang paypay at malaking sombrero. "Asan bebe mo?" tanong ni Sev habang lumilinga. "Wala pa" tamad kong ani bago umupo sa isang bench sa tapat ng isang malaking puno. "Ay sure ka bang pupunta te?" panimula na naman ni Earn kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. "Baka mamaya nagpapasama na naman iyon si Felix" dagdag na solsol ni Sev kaya halos batuhin ko siya ng aking tsinelas. "Syempre joke lang" natatawa niyang pagbawi bago kumaripas palayo. Napabuntong-hininga nalang ako nang maiwan kami ni Earn na nakapameywang sa harap ko. I was about to ask him something nang sumigaw si Sev mula sa labas ng gate. "Kev, andito na bebe mo!" buong lakas niyang sigaw na ikinapikit ko sa sobrang hiya. Pati mga tita at tito ko napatingin sa gawi namin at iilan sa mga pinsan ko ay hindi na napigilang lumapit at makisosyo. Kinakabahan akong nagtungo sa gate kahit hindi naman dapat. Tanaw ko ang mamahaling sasakyan ng babae bago bumukas ang pinto nito at iniluwa siya.Kalmado itong bumaba at bahagyang itinaas ang suot na sunglasses upang tingnan ako. Halos matulala ko nang makita siyang ngumisi bago nagtungo sa kinaroroonan namin ni Sev. Simple lamang ang suot niya. Nakatshirt at maong shorts na hindi ko aakalaing nagsusuot siya. May isang mamahaling tatak ang kanyang jacket na nakapulupot sa kanyang beywang. "Raven! Mabuti dumating ka kanina ka pa hinihintay nitong kaibigan namin" feeling close na ani ni Sev bago masiglang kumaway sa babae. Hindi ko naman napigilang sikuin siya at magsalita. "Hindi ah!" giit ko at pinandilatan siya ng tingin. Napanguso naman siya bago ako bumaling sa babae. "I told your Mom that I'll come" kunot-noo nitong tanong sa akin na ikinamula ko. "A-ah oo akala lang namin nagbago ang isip mo" gusto kong kutusan ang sarili ko sa pagkautal ngunit halos mapako ako sa kinatatayuan nang ngumiti siya at lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap bago hinalikan sa pisngi. "Ofcourse, I'll come with you" mahina niyang bulong na ikinatindig ng mga balahibo ko. Mabilis naman akong lumayo at namumulang umiwas ng tingin. "T-tara na sa loob"nahihiya kong ani at mabilis na tumalikod. Halos maging kamatis ang aking buong mukha sa sobrang pula. "Raven!" tili ni Mama nang makapasok kami sa loob. Mabilis niyang niyakap si Raven bago hinila papunta kina Tita. Ipinakilala niya si Raven sa buong pamilya bago napagpasiyahang umalis na. "Yes Tita I know that Resort, yeah I'll take Kevin and his friends with me" iyon lamang ang narinig ko bago lumabas si Raven ng bahay. "You three are coming with me" sambit niya na sabay naming ikinatango. Sabay sabay kaming sumunod sa kanya papunta sa kanyang sasakyan. "Kev? Ba't sa likod ka uupo?" tanong ni Sev nang mapansing sumunod ako kay Earn sa likod. Napatingin din si Raven roon. "Ah, hindi ako komportable kapag nasa unahan" palusot ko na ikatango niya. Ang totoo niyan ay naiilang pa'rin ako hanggang ngayon dahil sa paghalik ni Raven.Nararamdaman ko pa nga rin hanggang ngayon ang kanyang malalambot na labi sa aking pisngi at hindi parin humuhupa ang pamumula ng aking mukha. "Okay, ako nalang sa unahan para hindi magmukhang driver si Raven" nakangiting ani ng kaibigan ko at pumasok. Buti nalang at may pagkaslow ang lalaking ito. Pumasok na rin si Raven at ini-start ang sasakyan. Kita ko pa ang pasimpleng pagtingin niya sa'kin sa salamin. Mabilis akong nag-iwas at minabuting sa labas nalang tumingin. Tahimik lamang ang naging unang sampung minuto ng aming byahe. Nakasunod kami sa nakaunang dalawang van na sinasakyan nila Mama at iilan kong Tita habang nakasunod naman sa amin ang kotse nila Papa at mga Tito ko. "Raven, baka pwedeng magpa-music. Antahimik e " natatawang ani ni Sev. Halos sikohin naman ako ni Earn bago ininguso ang kaibigan naming walang kahiya-hiyang tumatawa sa unahan. "Okay" tipid na ani ng babae at patuloy na nagfocus sa pagmamaneho. Humalakhak naman si Sev at kinonect ang phone bago magpamusic. "Ey! Lights camera..action! I see you looking at my P.I.C~" buong lakas na kanta ni Sev habang umiindayog sa kinauupuan. Halos sabay kaming nakapikit ni Earn dahil sa kahihiyan para sa kaibigan. Feel na feel pa nito ang kanta at talagang ayaw magpaawat kahit na mali mali naman ang iilang lyrics. "Hoy Sev tumigil ka na nga! Nakakahiya!" hindi na napigilan ni Earn na awatin siya. Napatigil naman siya at napasimangot. "It's okay, he actually look cute doing that" ani ni Raven na ikinamula ni Sev. Gulat naman akong napatingin sa kanilang dalawa. Wala namang bago. Seryoso pa rin namang nagdadrive si Raven habang namumula man ay patuloy pa rin sa pagkanta si Sev. Hanggang sa makarating kami sa Beach Resort ay tahimik lamang kami ni Earn. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa tuwing pinagtitripan ni Sev si Raven na wala namang ginawa kundi kunsintihin ang kaibigan ko. "Naaamoy mo ba ang naaamoy ko?" tanong ni Earn habang nakapameywang na nakatingin kay Sev at Raven na nakaupo sa iisang bench. Kumunot naman ang noo ko roon at suminghot-singhot para alamin ang tinutukoy niya. "Bakit? Ano bang naaamoy mo? Utot?" taka kong tanong na agad ikinabusangot ng mukha niya. "Kahit kailan talaga ang slow mo! Ang ibig kong sabihin, may naamoy akong something fishy sa dalawa kanina pa!" pagpapaliwanag niya kaya agad akong napabaling muli sa dalawa. "Mula kanina sa kotse hanggang rito, napapansin kong magkasundo ang dalawa" dagdag niya pa "O', anong problema dun? Edi masaya?" takang tanong ko dahil hindi ko pa rin talaga magets ang point niya. "Hay naku, Kev. Hindi mo ba talaga nage gets? Paano kung magustuhan ni Raven si Sev sa halip na ikaw?"iritado niyang ani na ikinatigil ko. Somewhat ay nariyan na naman ang inis na aking nararamdaman. Napatingin ako muli sa dalawa, seryoso lamang na nakapamulsa si Raven habang kinakausap siya ni Sev. Paminsan-minsan ay hindi nito mapigilang matawa sa tuwing may kinukwento ang kaibigan. "Ano naman?" inis kong ani nang makitang inilahad ni Raven ang kanyang palad kay Sev. Parang timang naman itong hinaplos ng kaibigan ko bago manghang tumawa. "Masakit diba? Mapapa 'that should be me' ka nalang talaga" naiiling na ani ni Earn bago tapikin ang aking balikat. Nakasimangot at bagsak ang aking mukha habang tinitingnan sila. "Kev! Halina kayo!" pagtawag ni Mama kaya mabilis akong tumalikod at sumunod sa kanila. Ni-hindi ko pinansin si Sev kahit na rinig na rinig ko ang kanyang pagtawag mulasa kinaroroonan nila. Manigas ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD