CHAPTER 7

1589 Words
Kevin. Nang makarating kami sa Highway ay saglit siyang gumilid. Napakunot ang noo ko roon ngunit hindi na'rin nagtanong pa. "What took him so long?" inis niyang bulong na hindi kailanman nakaligtaan ng tenga ko. Pabaling-baling siya sa kalsada at mukhang may hinihintay. Maya-maya pa ay humahangos na dumating ang isang lalaki. Halos magkalasog-lasog pa ang puso ko nang makitang si Felix yun. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako sa tabi ni Raven. Saglit siyang napa 'oh' bago natauhan at may inabot sa babae. "Pasensiya Rav,hindi ko nabigay kay Aling Linda ang susi nang isauli ko yung kotse mo." kamot batok nitong ani na maikli lamang na tinanguan ni Raven. Inabot nito ang isang susi ng isang mamahaling kotse. Like seriously? Ilang kotse ba meron ang babaeng ito? "Thanks a lot Rav, huwag mong sasabihin kay Mommy okay? I love you" malambing na ani ni Falix at bigla bigla na lamang hinalikan si Raven sa pisngi. Mabilis akong napabaling sa kabilang direksiyon nang makaramdam ako ng kung anong kirot sa aking dibdib. Hindi naman masakit..parang kagat lang ng shark at suntok lang ni saitama. Wala namang naging reaksiyon pa ang babae at may binulong pa kay Felix. Pagkatapos roon ay nakangising umalis ang lalaki. "Sorry about that" maikling ani ni Raven bago pinausad muli ang sasakyan. Tahimik lamang ako sa buong byahe. Binabagabag ako ng aking mga naiisip. Posible bang officially dating na ang dalawa? Habang iniisip at inaalala kung gaano kaclose ang dalawa ay mas pabigat nang pabigat ang kirot sa aking dibdib. Siguro nga ay pawang impossible na magkaroon pa ako ng tsansa kay Felix. Bakla lang ako...babae si Raven. Mabilis kaming nakarating sa subdivision kung saan naroroon ang aming bahay. "Raven dito nalang!" ani ko nang mapahinto ang kotse sa tapat ng gate ng subdivision dahil sa pagpapahinto ng guwardiya. "You sure?" kunot noo nitong ani na mabilis kong tinanguan. "Malapit lang naman ang bahay namin mula rito sa gate atsaka hindi na umaambon" giit ko at binuksan ang pinto. "Maraming salamat" nakangiti kong ani ngunit bago pa lamang ako makalabas ay isang kulay rosas na paperbag ang inilahad nito sa akin. Nagtataka ko itong binalingan ngunit hindi ito nagsalita at kitang-kita ang pamumula ng kanyang tenga. Napilitan kong kunin ang paperbag at naiilang na bumaba. Mabilis ding umalis ang kotse ng babae. Pinagmasdan ko ito hanggang sa tuluyan nang mawala sa aking paningin. Agad ko namang binati ang guwardiya at pumasok. Pagdating ko sa bahay ay pagod akong humilata sa kama. Napatitig ako sa kisame at halos kutusan ang sarili nang maalala ko na naman ang paghalik ni Felix sa pisngi ni Raven. Gusto kong magalit ngunit alam kong wala akong karapatan. Mabilis akong napabalikwas nang maalala ang paperbag na binigay ni Raven kanina. Maingat ko itong nilapag sa kama at binuksan. Kumislap ang mga mata ko nang makitang punong-puno ito ng iba't-ibang tsokolate. Halos manliit at mamula ako nang maalala ang ibinigay ko sa kanya noon. Common na chitchirya lang ang laman noon samantalang puno ng branded at rare na mga chocolate ang binigay niya. Masaya kong sinukbit ang isa at halos tumalon sa tuwa nang malaman kung gaano kasarap iyon. Kahit papaano ay nabawasan ang galit ko. Napasinghap naman ako nang may isang ideya na dumaan sa aking isipan. Hindi kaya..na-fall na sa akin si Raven? Maari ko pa kaya siyang agawin at ilayo kay Felix? Nagpagulong-gulong ako sa kama habang ini-imagine na magiging jowa ko si Raven? Ang babaeng iyon? Karibal ko magiging jowa ko? Gosh I cannot! Hanggang sa pagtulog ay patuloy kong iniisip kung anong gagawin ko lunes. Siguro y kagaya lang din ng mga nagdaang girlfriends ko noon. Girls like straightforward guys at yun ang ginagawa ko para makuha ang atensiyon nila. Napangisi na lamang ako bago kumutan ang sarili. Sumapit ang lunes ay masaya akong pumasok sa School. Inasar pa ako ni Papa na kakauwi lang noong Linggo upang sama-sama kaming magsimba. Nakangiti kong binati ang guard bago pumasok. May dala-dala akong isang silver na kwintas na ibibigay ko kay Raven. Though hindi ko naman ito laging ginagawa, I just felt na gusto ko siya bigyan nito bago ako magconfess 'kuno' sa kanya. Nang makaupo sa loob ng Classroom ay nakaabutan kong nakaubo na naman ang babae. As usual, maaga ito. "U-uh Raven" mahina kong tawag na agad ring ikinaangat ng mukha niya. "Pwede ba tayo magkita mamaya? Sa locker mo nalang" nahihiya kong ani. Naningkit naman ang kanyang mata bago dahan- dahang tumango. Napangiti ako roon. Sa sobrang gustong lumipas ng mabilis ang oras ay ganado akong sumagot sa recitation. Mariin din akong nakinig sa Teacher namin hanggang Lunch Break. Mabilis kong isinukbit ang aking bag bago nagtungo sa mga Locker ng mga babae. Ilang minuto ako naghintay bago ko siya namataang palapit.Tumigil siya sa mismong locker niya at binuksan iyon upang ilagay ang iilang libro mula sa bag. "U-uh..May sasabihin sana ako" halos mapapikit ako nang marinig ang pagpiyok ng aking boses. Muntik ko pang kutusan ang aking sarili dahil don. Mabuti nalang at napigilan ko. Kaya ko 'to gorl! Pagpapalakas ko sa akinh sarili. Saglit siyang napatingin sa paligid. Wala gaanong tao ngayon sa banda rito dahil halos nasa Canteen lahat. Mariin siyang tumingin sa akin bago sa dala ko. "R-raven gusto kita, gusto mo rin ba ako?" buong tapang kong tanong habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Yumukod pa ako at inilahad sa kanya ang kwintas. Halos mabuwal naman ako sa kahihiyan nang bigla siyang tumawa. Dumagundong ang kanyang malakas na tawa sa hallway na ikinamula ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magugulat dahil marunong pala siyang tumawa! Kalaunan ay bigla rin siyang natauhan at natahimik. Diretso din siyang tumingin sa akin bago sumagot. "No, I don't like you" walang pag-aalinlangan niyang sagot na halos ikinanganga ko. Lito ko siyang tingnan. Paano yung pa-chocolates at pahatid niya? Ano yun nagmamagandang loob lang? Halos mapasinghap ako nang mapagtanto kong baka namis-interpret ko iyon lahat. Pero.. "Ayoko magkaroon ng utang na loob sa kahit sino, that's why I did that" mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at agad siyang nagpaliwanag. Hindi ako makapagsalita dahil sa halo-halong hiya at ...somewhat lungkot? "I don't like you and besides, I know you're gay. I don't have any problems about you guys but I just don't like gays that's all." naiiling niyang ani bago ako iwan doon. Halos manigas naman ako sa aking kinatatayuan. Kaba, takot at lungkot. Iyon lamang ang tanging nararamdaman ko sa oras na ito. Ganun kadali niyang nalaman? How is she so sure about me being a gay? At ayaw niya sa katulad ko? Mapait akong napangiti. Tama si Earn. Dapat ay iniwasan ko ang babaeng iyon. Malungkot akong napatingin sa kahon ng kwintas na ibibigay ko. Though kasalanan ko naman. Masyado ata akong nabaliw sa Felix na iyon at pati relasyon at ibang tao muntik ko pang nadamay. Buong maghapon ay naging matamlay ako sa klase. Halos hindi ko inikot ang aking ulo patalikod dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa'rin ako sa babaeng nakaupo sa aking likuran. "Kev,may narinig ako kanina. Dalawang babae pinagtatalunan kung bakla ka ba daw o hindi" gulat na bulong ni Earn habang papalabas kami sa gate. Nanlamig naman ako dahil doon. Halos mapatingin nga lahat ng estudyante sa t'wing napapadaan kami. Though,hindi na naman bago na pinagtitinginan ako, may kakaibang kahulugan ang mga mata nila ngayon hindi gaya ng dati. Umiling nalang ako hanggang sa makalabas. Nagtagal kami sa harap ng gate bago dumating ang kanya-kanyang sundo. Pagod akong nakauwi sa bahay. Bukod kasi sa madaming School Activities, binabagabag pa'rin ako sa sinabi ni Raven. Andami ring what ifs sa utak ko kaya halos sabunutan ko na ang aking sarili. Like what if ipinagkalat ng babaeng yun na bakla ako? I mean, hindi ko naman inamin sa kanya though sa boses palang niya ay mukhang siguradong-sigurado siya. Ganun ba talaga kahalata? Hanggang sa pagkain ay lumulutang ang aking isipan. Sinuway pa ako ni Mama dahil sa pagiging wala sa sarili. Maaga tuloy akong pinapasok sa kwarto at pinagpahinga. 10 p.m. at gising na gising pa'rin ang diwa ko. Halos hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga pinag-iisip ko. Pabaling baling rin ako sa kama nang tumunog ang phone ko. Tamad ko itong inabot mula sa side table at nakitang tumatawag si Earn. "Punta ka sa page ng school dali!" patili niyang ani kaya mabilis kong nalayo sa aking tenga ang phone. Lito man ay agad kong tinipa ang pangalan ng page ng school. Ang skwelahan namin ay may ganitong page na ginawa ng iilang random students para sa mga estudyanteng gustong magconfess, shout outs at maki Halos mabuwal ako sa aking kama nang makita ang isang hot topic. Blurred picture ko ito na may caption na... 'Isang tinaguriang Campus Playboy, Bakla daw?!' Nanlumo ako nang makita ang iilang comments na nakikila ang picture ko. 'Si Baby Kev?' 'Gosh I cannot! Hihimatayin ata ako' 'HAHA seryoso ba kayo diyan?' Iilan lamang yan sa mga maraming comments. May isa pang babae na shinare ang post at tinag ang ate ko! Nanginginig ko tuloy na binitawan ang cellphone bago humiga. Gusto kong umiyak at sumigaw. Paano nalang kung malaman ni Papa? Wala sa sariling kumuyom ang aking kamay. Wala talagang puso ang babaeng yun! Ngayon ko nga lanh din naalalang hindi pala yun nagsorry sa akin noong nasapol niya ako ng bola. Nahaplos ko ang aking ilong na namumula pa'rin hanggang ngayon. "Raven!" gigil kong asik at isa isang nahampas ang aking mga unan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD