One - Bartolome's Famous Bar

629 Words
Blaze crossed her legs as she sat on the counter again, glancing around the bar. Wala siya sa mood makipaglandian kahit pa madaming lalai ang nag aya na makasayaw siya. She was wearing a tight and revealing dress that made her breast and legs stand out amongst the crowd. "Why don't you dance with-" "Wag mo akong simulan bartolome.." agad na putol niya sa anumang sasabihin ng lalaking katapat niya, ang bartender. Kilala niya ito dahil madalas siyang magpunta sa bar na ito lalo na pag hindi maayos ang mood niya. Frankly speaking, Mas gugustuhin pa niyang manatili sa nirerentahan niyang apartment kapag weekends. Kaso sa sitwasyon niya ngayon, malabong mangyari iyon lalo na at problemadong problemado siya kung paano mabayaran ang perang nagastos niya mula sa pagpapaaral sa kanya ng isang organisasyon. Kung hindi ba naman kasi siya binagsak ng guro niya sa geotechnical engineering na subject niya ay malamang isa siya sa mga magtatapos sa taong ito, at hindi na sana siya nagpapakahirap na magtrabaho bilang tindera ng mga gulay sa kabilang bayan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang anlaki ng galit ng gurong iyon sa kanya, gayong kung tutuusin ay hindi naman ito talaga nagtuturo. Ilang beses na rin siyang nakiusap at nagmakaawa sa gurong iyon na kung pupwede ay ireretake niya ang buong coverage ng exam nila kaso hindi ito pumayag. Hindi niya daw deserve na maging engineering dahil mahina raw ang utak niya. Gusto niyang murahin ang gurong iyon ng maalala ang sinabi nito, buti nalang at nakapagtimpi siya, dahil ang organisasyon na nagpaaral sa kanya at ang reputasyon niya ay masisira kapag pinatulan niya iyong walang kwentang guro na yon. It was one of her painful moments lalo na at ang inaasahan niyang pamilya na masasandalan niya ay pinabayaan siya. na kesyo iresponsable at pabaya raw siya sa pag aaral niya, like what the eff! Kung pwede lang niya ipagsigawan sa mundo na ginawa niya lahat para lang makapasa siya ay matagal na niyang ginawa. "Look oh, That guy in the right corner was staring at you.. Kanina pa.." narinig niyang sabi ni khianna sa kanya, Isa sa mga staff ng bar na nakagaanan niya ng loob. Bukod sa mabait ito ay maganda pa. Sumunod ang tingin niya sa sinabi ng dalaga at napabutunghininga. 'Not again..' Komento ng isip niya kasabay ng paglagok niya sa huling shot niya. "I'll probably go khia.. May pupuntahan pa ako tomorrow.." Aniya sa dalaga at nakipaghigh five. "Akala ko ba magtatagal ka kamo-" "Sa susunod nalang.." sagot niya at tumayo. Kamuntik na siyang matumba kung hindi siya agad nakahawak sa counter. "Oh? Kaya mo pa ba.. Ihatid ka nalang ni bart.." Iwinagayway niya ang kamay niya bago sumagot. "Wag na.. Kaya ko pa naman.. Saka ayokong magkaroon ng utang na loob.." Khianna just shrugged pagkatapos ay nginitian siya nito and mouthed. 'ikaw bahala..' Pagewang gewang ng konti ang lakad niya ng palabas na siya ng bar, buti nalang at five inches lang ang taas ng takong na suot niya at baka pag nagkataon ay masusubsob pa siya sa malamig na tiles. Hard drinks kasi ang inorder kaya siguro ay madali siyang natamaan. Napatingin uli siya sa kinaroroonan ng lalaking nakatingin sa kanya kanina pero wala na ito sa pwesto nito, kaya pasimple na lang siyang umismid at tumayo sa gilid ng kalsada, naghihintay ng taxi. "Kung kikidnapin mo ako, Wala akong pera na maibibigay sayo. Kung balak mo naman akong patayin, Siguraduhin mong mamatay talaga ako. At kung balak mo akong gahasain, May HIV ako.." dere deretso at walang prenong sabi ng bibig niya ng maramdaman ang presensiya ng tao sa kanyang likod. Rinig pa niya ang mahinang pagtawa nito kaya nilingon niya at pinagtaasan ng kilay. 'oh! The guy in the corner naman pala to e..'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD