“SO, anong plano mo ngayon?” Tanong ni Brooke sa kanya pagkatapos niyang ikwento rito ang naging engkwentro nila ni Andrea sa shop niya noong nakaraang araw ng tawagan niya ito. Ikweninto din niya kay Brooke na nakita nito si Zeus at iyong naging reaksiyon ni Andrea nang makita nito ang hitsura ng anak niya. “Anong plano mo kapag nalaman ng gagong ex mo na may anak pala kayo?” dagdag pa na tanong ni Brooke. Hindi naitago ang galit sa boses nito ng banggitin nito ang pangalan ni Andrew. ‘Gagong ex’ ang tawag nito kay Andrew no’ng sabihin niya rito ang natuklasan niya. Na nakipaglapit lang ito sa kanya para paghigantian ang Kuya Zander niya sa pamamagitan niya. Dapat daw ay binigyan niya si Andrew ng magkasunod na uppercut ng malaman niya ang totoong dahilan nito kung bakit ito nakipaglapi

