"Nandito na pala ang lahat" sabi nung lalaking matangkad.
Ang seryoso ng mukha niya. At mahahalata talagang masungit siya. Hindi lang yun mukha siyang babae no offense ang haba ng buhok kasi at parang mas alaga pa ng suklay yung kanya kaysa saakin.
"Actually wala pa sina Mitsui" sabi nung Xian.
"I see so---" napatigil naman siya sa pagsasalita dahil bigla na lang dumako yung tingin niya saakin.
"At sino naman yang kasama mo Monica?" nakuha naman niya yung atensyon ko. The way he stared at me, it gives shiver down my spine, parang kinabahan ata ako dahil doon. May pakiramdam ako na hindi dapat banggain ang isang ito. Dahil mukha pa lang niya nakakatakot na paano pa kaya kapag nagalit?
"Ah si Ate ba siya yung bago nating magiging classmate di ba?" inangkla niya yung kamay niya sa braso ko na agad ko namang tinanggal. Hindi pa kami close no atsaka kelan pa ako nakipagkaibigan sa kanya? Nag-pout naman siya dahil sa ginawa ko. Grrr kinikilabutan ako sa mga pinaggagagawa niya. Cute naman siya eh ayaw ko lang talagang nakakakita ng mga ganyan dahil literal talaga akong kinikilabutan.
"Ganoon ba so you must be?"
"Narumi, Narumi Gail Cruz" nakipagshake-hands ako sa kanya. Mabait naman pala siya mukha lang bad boy, first impression nga naman. Minsan yan ang nagiging dahilan ng mga kaguluhan eh yung bang akala mo ganun siya pero hindi pala tapos mapagbibintangan ka pang judgemental napakakomplikado talaga ng buhay.
"So ikaw pala yung pinag-uusapan nila" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Well alam kong maganda ako pero hindi ko naman inaaakalang kakalat agad ang magandang balita, gusto ko tuloy matawa sa kabaliwan ko.
Magtatanong pa sana ako kaya lang nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"At dahil naririto naman na yung iba let's go to the office"
*Office*
"psst bata anong gagawin natin dito?" pabulong na tanong ko kay Monica nandito kami sa likuran nung nagsalita kanina. Hindi ko siya kilala kaya kuya muna ang itatawag ko sa kanya.
"Ate naman bakit yan ang tinatawag mo saakin?" sumimangot ito kaya hindi ko napigilan mapaismid.
"Ok na 'yon buti nga may pantawag ako sayo aba masuwerte ka mga malalapit lang saakin ang binibigyan ko ng ganyang tawagan" sabi ko na lang para hindi sumama ang loob niya. Ayaw ko na siyang makitang umiyak.
"So ibig sabihin close na tayo?" yung mata naman niya parang may stars na kumikislap dahil sa narinig niya. Kakaiba talaga ang batang ito weird. "Sa totoo lang kung titingnan close naman talaga tayo eh kita mo naman magkalapit tayo diba? Don't state the obvious kaya naman sagutin mo na yung tanong ko" sabi ko sa kanya. Ayaw ko pa naman sa lahat eh yung nageexplain.
Narinig ko naman yung pagtawa nung kambal sa likod.
"Ito na nga sasagot na pupunta tayo sa office at kung itatanong mo kung anong gagawin natin hindi ko alam ok"
Hindi na ako nagtanong pa dahil nakikita ko na ang isang malaking pinto. Ang ganda ano kayang gagawin namin dito?
Automatikong nagbukas yung two door na pinto. At ang grabe napanganga talaga ako ng bonggang-bongga. Kung magara yung sa pinagdalhan saakin ni Monica noon mas malala naman ito. Ang nakakamangha pa ay ang mala museum sa dami ng librong nakapaloob dito. Kahit saan ako tumingin ang daming libro hindi lang 'yon ang ganda nung ceiling may paintings at syempre may chandelier din. Para na nga akong kwago dito dahil sa pagikot ng leeg ko para lang makita ang buong kwarto.
"Oh nandito na pala kayo" kilala ko yung boses na 'yon. At naiirita talaga ako sa tuwing naririnig ko ang boses na yun. Para bang nangaasar siya. At alam kong alam niyo naman kung sinu ang tinutukoy ko hindi ba? Nakakapagtaka office din nya ito?
"Obvious naman diba?" si Xian. Mga wala palang modo ang mga nag-aaral dito grabe walang respetuhan ganun? Kakilabot pala dito mayayaman nga naman.
Hindi naman sumagot si Chris na kapangalan ng kakambal ni Xian. Mukhang sanay na sanay na siya sa mga ugali nila.
"Nasaan na ang iba? Hindi ba't sabi ko kailangan lahat kayo nandito?" naiiritang sabi niya na umupo na sa kanyang swivel chair habang nakasandal.
"Well hindi naman na importante. Nandito kayo dahil may kailangan akong sabihin. Siguro naman nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag." tahimik lang silang nakikinig habang ako ay naiilang sa kanila.
"Si Miss Cruz ang bagong member ng Specials" lahat sila nanlaki ang mata maliban kay kuya na hindi ko alam ang pangalan na mukhang hindi inaasahan ang kanyang maririnig. Specials? Ano 'yon? Anong tingin nila saakin may sakit? Alam kong maganda ako pero hindi naman at makatarungan ito! Aba ako sa Specials isasama? Nang-aasar ba siya kasi kung oo naaasar na talaga ako sa kanya.
"Kung ano man yang iniisip mo please lang hindi yan ang ibig kong sabihin. Yung mga nakakuha ng mga matataas na score sa examination ng school ay automatiko ng kasama sa Specials ok? Ngayon ibang usapan na kapag naperfect mo ito. At bukod doon ay may ranking system ang eskwelahang ito"
"Ano namang rank niya Sir?" tanong ni Monica buti naman naisipan niyang tanungin yun dahil miski ako ay nacucurious na din 'Hindi pa natin malalaman sa ngayon pero sigurado naman akong nasa mataas siyang ranking kagaya niyo"
"Anong ibig niyong sabihin? Don't tell me--"
"Yup ate rank 9 ako sina Xian at Chris naman ay 7 at 8 at sa tingin dun kay kuyang hindi ko alam ang pangalan*"
"William Knight 6th"
Woah unbelievable. Ang tatalino pala ng mga ito nakakagulat talaga ang isang annoying girl na kinaiiritahan ko ay pang siyam, ang kambal na daig pa ang aso't pusa ay pang pito at walo at higit sa lahat ang misterysosong masungit na si kuyang hindi ko kilala ay pang anim. Kung ganun sinu naman ang Pang-lima?
"At makikilala mo din ang ibang mga taong may hawak ng top-5 ranking ng school na ito"