The vacation is over. Oras nanaman para magsunog ng kilay dahil nalalapit na ang exam namin. Mag dadalawang buwan na din pala ako sa Saint Bridge ang tagal ko na pala dito. Naging maayos naman ang bakasyon namin kahit na hindi kami kompleto pero dahil sa bakasyon na yun ay nadagdagan na naman ng mga katanungan ang isipan ko. Binuksan ko ang pintuan ng library, kailangan kong magbasa-basa ng mga libro para sa darating na exam malay ko ba kung anung test ang ieeexam dito. Tahimik sa library at napansin kong ako lamang ang tao, siguro ay na sa klase ang iba dahil tangin S-10 lang naman ang hindi umaatend ng mga klase exams lang ay sapat na para masabi kong mananatili ka o hindi. Sa halos dalawang buwan kong pagiistay dito ay ngayon lang ako ginanahan sa pag-aaral siguro ay dahil sa kailan

