AMELIA POV
“Gusto sana kasi kitang makilala ng maayos.Yung tipong walang tutukan ng baril.Hehee…”Ngumiti ako sakanya ng malaki kaya naman inirapan nya ako pero kalaunan ay nginitian nya din ako pabalik.
“Okay.”Simpleng sagot nya kaya naman napa palakpak ko ang aking nga kamay.
“Ako nga pala si Amelia Claire Mitz!”Masigla kong bati sa kanya.
Inilahad ko sa harap nya ang palad ko upang magawa namin ang shake hand.Tinignan nya yon at simpleng tumawa.Tinanggap nya ang kamay ko at saka nag pakilala
“I’m Carlos John Colt,I’m Master Ryder’s personal butler!”Napatawa ako dahil napaka pormal nya.
Nag kwentuhan lang kami kaya naman hindi ko namalayan na mag hahapon na pala.Naka limutan ko na ding balikan ang master,pero naalala kong lalayuan ko na pala sya dahil baka hindi ko na mapigilan ang damdamin ko.Natatakot ako na baka mas lumala pa ang nararamdaman ko para sa kanya at alam ko din kasing ako lang ang masasaktan sa huli kaya naman hanggat maaga pa ay gagawa na ako ng paraan para matigil ko na ito.
Nagulat ako ng biglang may pumitik na daliri sa harap ko kaya naman tinignan ko kong sino iyon.Nakita ko si Carlos na natatawang naka tingin sakin sa hindi ko malaman na dahilan.
“Bakit?May kailangan ka?”Nagtatakha kong tanong sa kanya dahil wala naman akong maalala na nakakatawang sinabi ko ginawa.
Tumawa muna sya sa akin bago sya sumagot.
“Your spacing out.Anong iniisip mo?Care to tell?”Nahalata nya ako?Obvious ba talaga ako masyado?
“Ah,wala naman.May naiisip lang ako.”Nginitian ko sya dahil parang hindi sya kumbinsido pero tumango pa din sya.
Mabait naman pala talaga si Carlos at madali din syang maka sama.Magaling syang makisama sa mga tao pero pag dating sa trabaho ay iba sya.Halatang professional sya.Nakaka hanga.
Parang iniisip ko tuloy pano kung sya nalang ang nagustuhan ko at hindi si Dylan?Siguro hindi ako nahihirapan ngayon at nasasaktan dahik sa sitwasyon ko.Siguro king sa kanya ako nagka gusto ay may posibilidad na magutuhan nya din ako pabalik.
Natawa ako sa sariling naisip ko kaya naman napatingin ulit sa akin si Carlos na nagtatakha sa inaakto ko.
Nag paalam na ako sa kanya dahil marami pa akong gagawin dahil hindi pa ako nakakapag luto ng pagkain ngayong gabi.Nginitian nya ako at tumango kaya ganon din ang ginawa ko.
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko syang nag pupunas.Napatingin sya sa akin at tinignan ako ng nag tatakha.
“Saan ka ba galing na bata ka ha?Kanina pa kita hindi nakita at hinahanap ka din ni Master.Mabuti nga at hindi iyon nag wala!”Tumingin ako sa kanya na parang nang hihingi ng pasensya.
“Pasensya na po,hindi po kasi namin namalayan ni Carlos ang oras e.”Tinanguan nya na lamang ako at ipinag patuloy ay ginagawa nya.
Inilabas ko na ang mga kakailanganin ko sa pag luluto,dahil balak ko sanang mag luto ng sinigang sa miso.Nang makita ni manang ang balak kong lutuin ay bigla syang ngumiti ng malaki sa akin.Para bang tuwang-tuwa sya sa lulutuin ko.
“Mabuti at naisip mong mag luto nyan.Paborito iyan ng master pero simula ng magka ganyan sya ay hindi na ulit sya kumain nya.”Ang kaninang naka ngiting mukha ni manang unti-unting lumungkot.
“Bakit ho manang?”Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag tanong.
“Hindi din namin malaman ang dahilan,pero sana mabago mo iyon.”Nginitian nya ako bago sya bumalik ulit sa kanyang ginagawa.
Itinuloy ko na ang lulutuin ko at umasa na sana nga ay tama si manang na mapakain ko na ulit sya ng ulam na ito.Dahil kung mang yayari iyon ay ako na ang magiging pinaka masaya sa lahat!
Natapos ko ang niluluto ko habang naka ngiti ako.Nag handa na ako sa dining at pinuntahan na si master Dylan sa kwarto nya.
Nang maka tapat sa kwarto nya ay nag dadalawang isip ako kung tutuloy ko bang kumatok sa kqarto nya dahil sobra akong kinakabahan.Sa huli ay itinuloy ko ang pag katok.Bumukas ang pinto at iniluwa non si master Dylan na naka t-shirt na gray na hapit na hapit sa katawan nya kaya halatang halata ang mga masel nya.