Cassandra POV

323 Words
Gabi na hindi pa rin ako makatulog, samantalang yung kaibigan ko humihilik na.Dito kasi ako natulog kila jenny hanggang ngayon kasi masama pa loob ko kay mama. Hindi mawala sa isip ko yung nakabunggo ko kanina. Ang tanga kasi bakit hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.Ah basta pagnagkita kami ulit ako na magtatanong sa kanya. Bumalik nanaman sa isip ko si mama,hindi ko maintindihan bakit ganun nya ako pakitunguhan gusto ko lng naman makapagtapos ng pag-aaral para sa kanila.Sana dumating yung araw na maintindihan naman nila ako. Nagising ako sa lakas ng sigaw ni jenny,hindi ko maintindihan itong kaibigan ko kung anong lahi ba. "Cassandra gising na dumating ang mama mo." ang pasigaw na sabi ni jenny. "Hay! naku jenny mabibingi naman ako sayo,ano ginagawa ni mama dito ng ganito kaaga?"Buknot na sabi ko. "Siguro sinusundo ka,diba naglayas ka kagabi sa inyo at dito ka ng istorbo sa bahay ko." "Ay oo nga pala,thank you friend ha hindi mo ako talaga pinababayaan kaya love na love kita".Sabay yakap ko sa kanya. "Sige na bumaba kana at baka makaiyakan pa tayo dito kanina ka pa hinihintay ni tita sa baba." Nga pla nawala sa isip ko na nasa baba pala si mama kaya nagmadali na akong bumaba at baka dito nya pa ako masermon nakakahiya sa mga magulang ni jenny. Pagkakita ko kay Mama kagad nya ako niyakap at sinabi nya" Cassandra anak sorry hindi ko sinsadya na saktan ka, nabigla lang ako anak uwi ka na sa bahay hinihintay ka na ng papa mo." Tuluyan ng umagos ang mga luha ko,kasi kahit na mabunganga si Mama mahal na mahal ko siya. "Sorry po Mama,sorry po sa pagsagot ko sa inyo kagabi." Pagkatapos ng iyakan nagpasalamat na si Mama kay tita at ako naman pinuntahan ko si jenny. "Friend thank you ha sa pagpapatulog mo sakin dito." "Naku friend wala yun ikaw pa atsaka sanay na ako naiistorbo char!" sabay kami nagtawanan

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD