Chapter 8

1573 Words
Chapter 8 Ellen's POV Ilang araw na ang nakalipas. Hindi ko na nakita pa si Kuya Gio. Hindi siya nawawala sa isip ko. Naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Hoy!” Gulat kong nilingon si Mika. “Bakit?” Napangiwi siya. “Kanina ka pa kasi tulala.” Bumuntonghininga ako. “Pagod lang siguro ako, eh,” matamlay kong sagot. Pansin ko rin ang pagbabago ng temperatura ng aking katawan. Mukhang sisinatin ako ngayon. “Na-lovesick ka siguro ano?” nanunukso niyang tanong. “Hay, naku! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh!” bulalas ni Stella saka umupo sa tabi ko. Wala kaming pasok ngayon kaya tumambay kami sa waiting shed ng school. Nakahilera ang mga nipa hut sa likod na bahagi ng mga buildings. Available for students ito kaya ginawang tambayan ng lahat. Naglabas ng pagkain si Mika. “Here. Kumain ka. Ang putla mo ngayon,” nag-aalala niyang komento. Umiling ako. “Salamat.” Silang dalawa lang ang nag-uusap habang nakapangalumbaba ako. Masakit ang katawan ko. Nahihilo na rin ako. “Iniisip niya siguro kung sino ang nagbigay ng kuwentas sa kanya,” rinig kong bulong ni Stella kay Mika sabay bumungisngis ang dalawa. “Narinig ko kayo,” sabi ko. “Pinarinig ko nga sa ’yo,” ani Stella saka tumawa. “Pero grabe! Ang ganda ng kuwentas. Iyong tipong pinagawa talaga para sa ’yo. Naiinggit na naman ako,” dagdag niyang wika. “Sige. Mamatay ka sa inggit,” pang-iinis ko sa kanya kaya tumawa si Mika. “Sira!” Totoo ang sinasabi niya. Nagulat din ako noong gabing makita ko ang paper bag. Tiningnan ko ito nang maigi at nakapangalan sa akin ang card. Walang ibang Dainty Ellen sa bahay. Tiningnan ko ang laman at kuwentas siya. A half crescent moon gold pendant at sa likod nito ay nakaukit ang aking pangalan. Sa sobrang liit ay halos hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay. Pinagdudahan ko si Kuya Gio pero… may kasama siyang babae. Hindi siya ang nagbigay. Kung si Kuya Baji naman—tss! May girlfriend siya. Ang tanong… sino ang umakyat sa balkonahe ko? “Argh! Nahihilo ako,” reklamo ko saka hinilot ang aking sentido. Napalingon sa akin si Stella at Mika. Kaagad na inilapat ni Mika ang kanyang kamay sa aking noo. Napasinghap siya. “Hala! Ang init mo!” taranta niyang sigaw. “What the heck? Dalhin ka namin sa emergency room!” “Gaga! May Doctors tayo rito,” sabat ni Mika. “Oh! I forgot! Tara, tara!” Tumayo siya sabay hila sa akin. Napairit ako.“Sh*t! Sorry, sorry!” “Gaga ka! Lalong umikot ang mundo ko,” reklamo ko sabay tawa nang mahina. “Sorry nga, eh!” Inakay nila akong dalawa papunta sa Doctors Office. Nakasalubong namin si Eren na nag-aalala nang makita ako. “W-What happened?” tanong niya. “I’m—” “May lagnat siya,” sagot ni Stella saka inakaya ako paalis. “H-Hey!” Hindi ako makapagsalita dahil nasusuka ako sa sobrang pagkahilo. “Guys…” Huminga ako ng malalim. “...Dahan-dahan lang,” sabi ko. Sabay silang huminto. “Ay, sorry! Ito naman kasi si Mika, eh.” “Bruha ka! Ikaw ’tong ang bilis maglakad. Pati ako nahihilo sa ginagawa mo,” natatawang reklamo ni Mika. “Let’s go. Tara na,” ani Stella. “Psh! Nakakaintindi po kami ng Ingles,” pagbibigay-alam ni Mika kaya tumawa si Stella. Pati ako ay natawa na rin. “Kailangan pa talagang i-translate?” “Hay, naku! Bilisan na natin at baka mahimatay si Ellen!” “Kaya nga! Mahihimatay siya dahil sa ’yo!” “Bakit? Ako ba si Gio?” “Hoy! Hoy! Hoy!” awat ko sa kanilang dalawa. Maang-maangan nila akong tiningnan. Pinandilatan ko si Stella habang tumatawa si Mika. Tinakpan niya ang kanyang bibig na animo ay nagulat. “B-Bakit? May nasabi ba ako?” maang-maangan niyang tanong kaya hinampas ko siya sa braso. “Sira ka talaga!” sambit ko. “Psh! Kinilig ka naman,” nanunukso niyang sabi sabay kindat. Tumawa ako. “Tigilan mo ako at baka mahila ko iyang pilikmata mong parang pakpak ng paruparu.” Sinimangutan niya ako. “Taray! Kaysa naman sa ’yo parang sinulid sa sobrang nipis.” “Maganda naman,” banat ko. “Minahal naman,” banat niya ring sagot. Pumagitna na si Mika na hawak-hawak ang tiyan sa sobrang pagtawa. “Tumigil kayong dalawa, ” awat niya. “Baka ako ang mahimatay sa sobrang pagtawa,” dagdag niya pa. “O, siya. Akayin n’yo na ako at nasusuka ako,” sabi ko. “Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.” “Hmp! Kulang ka lang sa pagmamahal,” banat ni Stella. “Hay, naku! Tigilan mo na ’yan at mukhang may sakit talaga ang kaibigan natin,” ani Mika. Pagdating sa school clinic ay wala nakapila kaya diretso silang kumatok sa loob. Si Kuya Mateo ang naka-duty ngayon kaya panatag ako. Alam ko ring tatawagan niya si Kuya Nico kapag nalaman niyang may sakit ako. “Come in,” anang boses sa loob. Kaagad kaming pumasok. Mayroong visitors area kaya doon ako pumunta. “What’s the patient's name?” “Si Ellen po, Nurse Eden. May sinat siya,” ani Stella. Siya kasi ang humarap sa Nurse. Sinulat ng Nurse ang pangalan ko saka ako pinapasok sa isang room. Hindi na ako sinamahan nina Stella at Mika. Parang dinamba ang aking dibdib. Kinakabahan ako na hindi ko mawari kung bakit. Magpapa-check up lang naman ako. Huminga ako nang malalim saka kumapit sa pinto. Hilong-hilo ako. “Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ng Nurse. Lumingon ako at tinanguan siya saka hinarap ulit ang pinto. Kumatok ako saka diretsong pumasok habang nakayuko. Pinagpapawisan ako. Isinara ko ang pinto saka nag-angat ng paningin. “Good day, Doc—” Nahinto ako sa paglapit nang mapansin ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nang mapansin ang aking histura ay kaagad na kumunot ang kanyang noo. Nakasuot siya ng salamin. Ang suot niyang long sleeve black polo ay nakatupi hanggang siko ang manggas. Ibinaba niya ang suot na salamin saka bumuntonghininga. “Have a seat, Dainty,” aniya sa baritonong boses. Pansin ko pa ang paggalaw ng kanyang panga at ng kanyang adams apple. Parang musika sa aking pandinig ang pagbigkas niya sa aking pangalan. Aligaga akong naglakad pero pinilit ko ang aking sarili. Nagiging dalawa na ang paningin ko. Bumukas ang pinto sa comfort room at lumabas si Kuya Mateo. Gulat siya nang makita ako. “Ellen?” Mabilis siyang lumapit ngunit naunahan siya ni Kuya Gio. “What the hell? Sit her down!” “Huwag mo akong utusan!” “Ugok! Pareho tayong malilintikan ni Nico,” sagot ni Kuya Mateo. Inalalayan nila akong umupo at kaagad akong inasikaso ni Kuya Mateo. Pinainom niya ako ng gamot at tinanong kung ano ang mga ginawa ko at mga kinain. Baka raw nagkaroon ako ng infection sa katawan lalo na at sobra ang pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko tiningnan si Kuya Gio. Naka-pukos lang ako kay Kuya Mateo na panay ang pagsusulat sa isang maliit sa papel. “This is your prescriptions. Ipakita mo lang ito kay Nico kapag tatanungin ka. You need to go home and take some rest. Bibigyan din kita ng mga gamot na libre.” Tumango lang ako kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Ihahatid na kita,” presinta ni Kuya Mateo. Tumayo si Kuya Gio. “Ako na.” Gulat na lumingon si Kuya Mateo sa kaibigan. “Pupunta naman ako kay Nico,” dagdag niya pa. “I haven't check you yet,” taas ang kilay na saad ni Kuya Mateo. “I’m not sick.” “Huh? Kasasabi mo lang kanina, ah?” “I’m not sick, Doctor,” sagot ni Kuya Gio. Nagtaas ng kamay si Kuya Mateo. “Just go,” pagtataboy niya sa kaibigan. Nagpaalam na rin at nagpasalamat saka tumayo na. Inalalayan pa rin ako ni Kuya Gio. I wanted to run away from him. Pansin niya rin iyon. Pareho kaming tensyonado pero wala akong magawa dahil nakaalalay siya sa balikat ko. Paglabas namin ay parehong tumayo sa gulat ang dalawa kong kaibigan. “E-Ellen? Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Stella. “Gaga! Kita mo ng hindi,” sagot ni Mika sabay siko kay Stella. Tumawa ako nang mahina. “Ayos lang ako. Kailangan kong umuwi, eh. Kayo na ang bahala,” sabi ko. Sabay na tumango ang dalawa. Nakatitig lamang sila kay Kuya Gio. “Sino ’yan?” pabulong pang tanong sa akin ni Stella. Umiling lang ako saka ngumiti habang nakaalalay sa akin si Kuya Gio palabas ng Doctors Office. Nag-thumbs up pa sa akin si Mika sabay ngiti. “Ang guwapo!” Napangiti ako sabay bungisngis dahil sa bulong niya. “Why are you laughing?” biglang tanong ng aking kasama. Tumikhim ako. “Bawal bang tumawa?” pasaring kong tanong. Naiinis ako kapag naaalala ko kung paanong kumapit sa kanya ang babaeng kasama niya noon sa bahay. Naiinis ako kapag naalala kong nag-e-enjoy siya sa paningin ko habang katabi ang babae. Naiinis ako dahil nagseselos ako. Alam kong gusto ko siya. Mahal ko na nga—siguro. Pag-ibig na sakit lamang ang kapalit. “No,” maiksi niyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD