DANIEL'S POV Kasama ko ngayon si Kath dito sa bench sa school pero para akong nakikipag-usap sa hangin.nagkekwento ako pero siya tahimik lang at parang may malalim na iniisip.ano bang ginagawa mo Daniel?kanina ka pa daldal ng daldal hindi mo man lang tinatanong kung anong problema ng girlfriend mo. "Kath?may problema ka ba?"tanong ko. "wala naman,iniisip ko lang yung kapatid ko"sabi niya. "si Cha?bakit,may problema ba sa kanya?"sa pagtatanong ko tumingin siya sa'kin ng seryoso at tinitigan ako sa mata,parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.alam mo yun?parang...ewan! "ah wala,wag mo na lang isipin yun"yun lang yung naging sagot niya sa'kin. "ganun ba?'wag mo na lang kasi problemahin yun,basta kapag kailangan mo ng tulong...nandito lang ako"sabi ko tapos ngumiti lang siya

