5

693 Words
KATH'S POV ...nagising na lang ako sa liwanag ng naaninag ko sa kwarto namin ni cha,paglingon ko sa tabi ng kama ko nakita ko si cha na nakahiga sa tabi ko at umiiyak , akala ko ba nasa ospital siya bakit siya umiiyak unti-unting nawawala ang liwanag sa at kasama noon ay ang paglalaho niya napaiyak akong sinisigaw ang pangalan nya at nagmamakaawang huwag akong iwan, may narinig akong tumatawag sa pangalan ko...   "Kaathh anak!!.....gising ...."nakita ko si Dad nasa tabi ko niyakap ko siya at napaiyak ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.. "Dad , si cha...."hinaplos ni daddy ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit "Kath nanaginip ka lang , buhay pa ang kapatid mo ,buhay pa si cha...."nanaginip lang pala ako... "Bumangon ka na lang diyan at bumaba, pupunta tayo sa ospital"salamat na lang at nandiyan si daddy Pagkababa ko kumain ako at naligo ... binuksan ko yung gate para magpahangin muna sa labas at may nakita akong pamilyar na mukha... si Daniel... "Kathryn ,saan ka galing kahapon tsaka bakit di ka pumasok ngayon may problema ka ba?" bago pa lang kami magkakilala pero concern na kagad siya sa akin? "wala 'to , may family problem lang kaya di ako nakapasok" ang hirap kasi sabihin ng sitwasyon ko baka problemahin lang niya... "sure ka? kung gusto mo labas muna tayo at pag-usapan natin" kakaiba na talaga ang concern nya sa akin... "ah  Daniel may pupuntahan kasi ako , pwede bang next time na lana wala ako sa mood para pag-usapan ang problema ko eh, tsaka gusto ko muna mapag-isa if you don't mind?"maiiyak na talaga ako kapag naaalala ko yun problema ko... "ganun ba ? sige sorry ,pero pag kailangan mo ng kausap , nandito lana ako ... just call me at lilipad ako nang mabilis para samahan ka=)" bigla akong napangiti sa sinabi niya... Pag-alis ni Daniel ,umupo ako sa gutter at napaiyak na lang ng basta, madali kasi akong magbreak down kapag pamilya ko ang pinoproblema ko lalo na sa kapatid ko , kakambal ko at higit sa lahat ang taong nagpapasaya sa buhay ko... ...papunta na kaming ospital para dalawin si cha, sana naman nagkamalay na siya ,sana makauwi na siya... AT THE HOSPITAL ...pagkapasok kosa loob ng room nakita ko si mommy na nakaupo sa tabini cha at nakatulala,nilapitan ko siya at kinausap...   "Mah kamusta na si Cha? nagkamalay na ba siya?"naaawa na ako kay mommy , wala siyang tulog mula nung nangyari kay cha ito.... "Hindi pa anak , ipagdasal natin na sana magising na siya..."tumango na lang ako at umiyak sa sobrang bigat ng nararamdaman ko... "Kath, bakit ka umiyak?"napaluhod ako sa side ng bed ni cha.. "ako dapat ang sisihin sa nangyari , kung sanaa...sana hindi ko pinayan si cha na magbike sa park sana hindi nangyari 'to"galit talaga ako sa sarili ko...   "anak , walang dapat sisihin sa nangyari . hindi naman natin ito ginusto eh, tsaka isa pa mahirap pigilan ang will ng dyos sa atin... pagsubok 'ito na kailangan nating lagpasan.tahan na anak..."yumakap sa akin si mommy habang sinasabi yun. ...nakayuko ako sa tabi ng bed ni cha at naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya, nakita kong iminulat ni cha ang mata niya... ...tinawag ni daddy ang doktor para tingnan ang vital signs niya. "normal naman po ang blood pressure niya kailangan nya lang ng kaunting pahinga..."mabuti naman nagkamalay na ang kapatid ko.. "mah ... nasaan ako, bakit parang nanghihina ako..."nakakapanghinang makita ang kapatid mo kapag ganitoa ang sitwasyon... "anak , nasa ospital tayo... magpahinga ka na lang muna , may gusto ka bang kainin?"buti na lang may dala akong fruits para sa kapatid ko kaya inalok ko siya... "sis, may dinala akong fruits para sa 'yo pinahanda ko yan kay yaya, tsaka kinakamusta ka niya kung okay ka lang?may gusto ka bang kainin ipagbabalat kita nag orange kung gusto mo?" tumango lang siya at ngumiti...     ... si mommy na lang ang nagpakain kay cha dahil alam niyang di ko kayang makita si cha ng ganun ang kalagayan...     ...lumabas muna ako at umupo sa waiting area ng ospital... narinig ko na lang na nagring ang phone ko ...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD