CHA-CHA'S POV ...napakahirap mabuhay kapag ganito ang kalagayan mo,pakiramdam ko kinakaawaan ako ng lahat,tingin nila sa akin pabigat... ...andito ako ngayon ako sa kwarto kung saan kami natutulog ng kakambal ko, nakaupo lang ako sa kama at nalulungkot ako kasi hindi ko magawang makapag-aral o lumabas ng bahay,pakiramdam ko bilanggo ako dahil sa sakit ko,alam ko na over protected sina mommy at daddy pero bakit ganun?akala ko ba bawal ako masaktan ,emotionally sobrang sakit ng ginagawa nila sa akin'sana pala hindi ko na nalaman yung sakit ko... ...habang nag-iisip ako may napansin akong lalaking nakatingin sa akin mula sa bintana ng kwarto namin,nagulat ako nung kumaway siya sa akin ng nakangiti,siguro napansin nya na malungkot ako kaya kumaway siya para ipahiwatig kung ok lang ba ako

