Nasa harap ko na siya pero bakit di ko masabi? "pwede ba akong ma... ma...?"nauutal talaga ako kakainis "ano nga yun Diego?"naku patay mukhang naiinis na siya. "pwede bang magpaturo ako sa'yo sa geometry?"kainis naman. "yun lang pala eh.sige mamaya pagkatapos ng klase tuturuan kita?" "ah sige .sabay ka na lang sa akin pag-uwi kung ok lang sa'yo.?" "sure,sige kita tayo mamaya ha?" ...naiwan ako mag-isa sa gym na nakatulala at lugmok sa pagkadismaya dahil hindi ko nasabi sa kanya ang gusto ko sabihin. "oh ano pare,nasabi mo na ba sa kanya?" nilapitan ako ni Daniel at inakbayan. "hindi eh..."napatungo ako dahil sa pagkadismayang naramdaman ko. "ano ba yan?ang hina mo naman..." ...natahimik ako at napaisip.oo mahina ako,torpe...pero kahit kailan di ko kayang manloko ng babae.at isa

