1

1302 Words
Daniel's Point of View               "MAH, bakit ba natin kailangang lumipat ng bahay... okay na naman tayo rito,  'di ba?" maktol ko habang inaayos ni mommy ang gamit ko. "And besides nandito na ang life ko, may kaibigan naman ako rito, saka okay naman ang grades ko sa school, ah? Bakit pa, mah?" sabi ko na nagmamatigas pero hindi kumikibo si mommy at diretso sa pag-iimpake ng gamit namin.             "Son, this is not my decision. Kahit ako walang magagawa sa desisyon ng daddy mo gusto niya lumipat tayo for our safety. I agree with your daddy, that's why we need to, kahit ayaw ko pero sigurado ako na magugustuhan mo sa lilipatan natin. Kaya get your things and stop arguing with me." wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod sa mahal kong ina.             Christian  Daniel Balbuena Alves. That is my real name. I am having an argument with my mother right now. Nakakawalang gana pagmasdan ang pagkuha ni momy ng mga damit ko sa aking closet at isa-isang inilalagay sa  aking bag.               "Pero, mah..."               "Daniel, we have to hurry. Kay please, pack your things up dahil marami pa akong dapat gawin. Utang na loob naman, sumunod ka naman sa akin kahit ngayon lang." She called me with my second name. That's the sign that he is totally mad. She's calling me Daniel because my father's name is Christian. Para lang hindi siya malito. But when we ar having a normal conversation, palagi niya akong tinatawag na Deej. Palayaw kasi iyon ng paborito niyang artista na si Daniel Padilla. The hell I care. Mas guwapo pa ako sa artistang iniidolo niya. But the fact na tinawag na niya ako with my second name that is the time that I need to follow her. Whether I like it or not. Iba magalit ang nanay ko. Daig pa niya si Maleficent, she's silent but deadly. "Fix your things, may gagawin lang ako sa baba. Gusto ko pagbalik ko rito, okay na iyan." She walked outside the moment she said that. Marahan niyang isinara ang pinto pero alam ko na naiinis na siya sa pagkontra ko. Oh well, Christian. Kahit ilang Santo pa ang tawagin mo hinding-hindi mo mababali ang salita ng nanay mo, you know that.               Wala na akong magagawa. Padabog kong inilagay ang mga damit ko sa luggage. Iniwang kasi ni mommy na basta na lang nakakalat ang gamit ko. Sino pa bang mag-aayos nito. Malamang sa malamang, ako rin.               Nang magdesisyon akong makababa ay nakita ko si mommy na nag-aayos ng  gamit namin sa compartment ng sasakyan. Mabigat man sa kalooban kong umalis sa compound na ito ay wala akong magagawa. That's my parents decision. Lumapit ako kay mommy na may lungkot sa mga mata. I am trying to please her but none of my words can stop her.               "Ilagay mo na rito iyan. I will just get the key inside tapos aalis na tayo," aniya na hindi man lang tinanong kung okay ako sa desisyon niyang umalis kami rito. I put the bag inside then suddenly, two of my friends came— Gino and Nathan. May lungkot na sa kanilang mukha nang lapitan nila ako.               "Pare, aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na kami?" tanong ni Gino.               "Paano na ang basketball team kapag umalis ka na?" dagdag pa ni Nathan. Nakaipit pa sa kamay at tagiliran niya ang bola ng basketball. Inagaw ko iyon at nag-dribble sa harap nila.               "Ang aarte ninyo, dadalaw pa naman ako rito. Iyon nga lang medyo matatagalan pa," sabi ko sabay bato ng bola sa kay Gino. Mabilis naman niya iyong nasalo. Good catch! Hindi talaga nagmimintis ang kaibigan kong ito kahit kailan.               "Basta dumalaw ka pa rin," walang ganang turan ni Nathan.               "Oo naman! Kayo pa ba," wika ko nang biglang lumapit si mommy. She hurriedly walked towards me.               "Sumakay ka na, Deej. We're going now," turan nito. Muli kong tiningnan ang dalawa kong kaibigan. Mas lalo kong nakita ang lungkot sa mga mata nila.               "O, paano? Kita na lang tayo next time," wika ko. Nakipagyakapan pa ako sa kanila bago umalis. That was the last moment I saw their faces. Pakiramdam ko kasi, hindi ko na sila makikita pang muli. Kung magkita man kami, sigurado akong hindi na ganoon kami ka-close.     ****               Nandito ako ngayon sa sa isang subdivision sa Makati. Dito na kami titira ni mommy, for good. Since nasa Canada si daddy, we need a new house na malapit lang sa kamag-anak namin. Kaya nag-decide si mommy na dito na lang kami tumira sa lugar ng spoiled-brat kong pinsan na si Julia. Ayaw ko man pero wala na ako magagawa. Nakapasok na ang kotse namin sa subdivision.  Wala halos taong naglalakad sa daan, may mangilan-ngilang mga batang naglalaro at mga kabataang kasing edad ko lang ang nagba-basketball sa court , ang dami rin palang mga kabataan dito. Pero sa isang babae lang ako napatingin nang todo, as in parang napako ang mata ko sa naglalakad na babae sa side walk. Kakaiba yung feeling ko nung nakita ko siya. I mean she's one of a kind. Patuloy ako sa pagtitig sa babae at halos mabali ang leeg ko huwag lang matinag ang tingin ko sa kanya.             "Daniel , We're here."             Bumaba ako ng sasakyan,hinahanap ko pa rin yung babaeng nakita ko kanina but unforunately wala na 'yong girl na nakita ko kanina, .Hinanap ko siya sa buong lugar pero di ko na siya nakita. Luminga-linga pa ako nang pagharap ko biglang may pamilyar na boses na bumulahaw sa lutang kong pag-iisip.               "Hoy! Sinong hinahanap mo, ungas?!" sigaw niya sa tainga ko.             "Julia, ano ka ba ? Bakit ba pasulpot-sulpot ka na lang bigla?" naiinis kong wika sa kanya habang palingon-lingon pa rin. Nasaan na siya? I wandered all the possible places where I can find her pero bigo ako.             "E, sino nga kasi ang hinahanap mo at parang seryoso ka riyan?" tanong niya ng nakataas pa ang isang kilay. Bakit ba napakausisera ng spoiled brat na ito? Of all the people, bakit siya pa ang naging pinsan ko?             "Wala ka na doon! At tsaka bakit ka ba nandito ano bang ginagawa mo rito?!"               Natatawa pa siya sa naging reaksyon ko. "Are you insane?  Nandito ako kasi bahay namin 'to..." Saka ko lang napagtanto ang ga sinabi niya.               "I mean , akala ko ba may pasok ka. Lunes ngayon, ah?" Ito na lang ang mga nasambit ko. I hope hindi niya mahalata na lutang pa rin ako dahil sa babaeng nakita ko kanina lang. I mean, ang ganda niya kasi. That was the first time I saw a girl who really caught my attention that way.                "Aaah... sabi kasi ni mommy, dadating daw kayo ni tita. Kaya pina-absent niya muna ako, bad trip nga, eh! Bakit ngayon pa? Kung kailan kailangan ko mag-practice for next week," paliwanag niya. Pero bago matapos ang napakahaba niyang litanya ay sumeryoso ang tingin niya sa akin. Umarko ang labi niya na para bang may kakaibang ngiti. "Sino nga pala yung hinahanap mo kanina at kanina ka pa lingon nang lingon?!" She's pissing me off. May pangungulit sa tinig nito.                "Wala ka na doon, kaya manahimik ka na lang, p'wede ba? Tulungan mo na lang ako dito sa mga gamit ko instead of teasing me." Itinuro ko yung mga bagahe ko...             "Okay,sabi mo, eh. Teka, bakit ang dami mong gamit? Buong bahay mo ba ang dala mo?" reklamo niya. Pero kinuha pa rin niya ang iba pang gamit.               "We're staying here, for good kaya dinala ko na ang dapat kong dalhin. Wag ka na magreklamo ,dalhin mo na lang yan!" angil ko. Pero hindi muna ako pumasok sa loob. Sa halip, tumingin pa rin ako sa labas. Sino kaya siya? Bakit parang iba ang naramdaman ko nang makita ko siya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD