Chapter 3

2047 Words
Jared's POV "Tol ang astig ng new student no?" Sabi ni Edem na isinalansan lahat ng gamit nya sa kanyang locker. "Alin dun?" Tanong ko dahil dalawa kasi ang new student namin. "Yung si ano.. Ano nga yung pangalan nun?" Aniya pa na nakatingala habang nag-iisip. "Yung tago 'yung kalahating mukha?" "Para nga sya'ng si sadako eh! Hahaha!" Sabi ni Rhey na tumawa pa ng malakas. "Tss!" Singhal ni kevin kay Rhey. "Biro lang tol!" Si Rhey "Totoo naman eh!" Sabat ko naman. "Mukha nga syang si sadako kaya lang all black 'yung suot niya while si sadako naman ay naka all white!" Malakas na pagkakasabi ko at nagtawanan naman sina Edem at Rhey. "Talking about me behind my back?" Sabi ng isang malamig na tinig kaya naman napatigil kami sa pagtawa. Unti-unti akong lumingon sa likod at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang may-ari ng malamig na tinig na iyun. 'Patay! narinig ba nya lahat?' "Oh! H-hi cla-classmate! kamusta ka? He-he!" Halatang kinakabahan na sabi Edem. "Tss! Out of my way!" Sabi nito at dumaan sa gitna namin. 'Suplada!' Tinungo nito ang locker nya at dalidaling isinalampak ang bag. Walang salitang dumaan ulit sa gitna naming apat at naglakad palayo. "Pheew! Ang weird nya mga tol!" Si Edem "Suplada pa! Grabe! Nakakatakot lalo dahil sa ugali niya!" Ani Rhey na nanginginig pa. "Hayaan nyo na. Kasalanan nyo din naman." Ani Kevin "Whatever! Guys tara na sa canteen." Anyaya ko sa kanila. "Bading?" Rinig ko pang bulong ni Edem kaya inis akong napatingin sa kanya. "Sino?" Tanong ko sa kanya. "Ha? May sinabi ba ako?" Maang maangan nya pa. "Sino kamong bading!?" Ani ko at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya. "Tss! Wala no! Sabi ko tara na sa canteen!" Palusot nya. "Kahit tomboy ka papatulan talaga kita!" Inis na singhal ko sa kanya at nagpa umunang maglakad patungong canteen. "Eh kasi naman para talaga sy--"  "Tama na yan mga pre tara na." Rinig ko pang awat ni Kevin kay Edem. "Eras!" Tawag sa akin ni Rhey. Nasa likod namin sina Kevin at Edem. "Pansin ko lang bagay sila." Aniya sa mahinang boses. "Sino?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya. "Si Kevs at Ed!" Pabulong na sabi niya. Lumingon naman ako saglit para tingnan 'yung dalawa sa likod namin. "Haha! Oo nga ano!" Natatawang sang-ayon ko sa sinabi niya. "Gawin kaya nating babae iyang si Edem?" "Bakit? Babae naman talaga sya ah?" "What i mean is, Gawin nating straight na babae. Gets mo?" Aniya na may malaking ngiti sa labi. "Ohh!" Usal ko at nangiti na rin sa naiisip. "Akong bahala d'yan. I have a brilliant idea!" Makahulugang sabi pa nya. Nang makarating kami sa canteen ay agad kaming nag order at umupo sa dati na naming mesa. Mabilis naming tinapos ang lunch dahil may gagawin pa kami sa library. Kukunin namin ang Library Card na bagong issue. Pagsapit ng afternoon class ay ganun pa rin naman ang ginawa namin. Pupunta sa harap ng mga kaklase namin at magpapakilala isa-isa. Kami ang lumilipat sa mga room ng mga Lecturer namin dahil ganun ang patakaran ng school. Kaya pagdating ng uwian ay nakaramdam ako ng pagod na bumalik sa room namin. Ang layo kasi ng room ni Mr. Gabun, Ang Physics lecturer namin. Pagdating namin sa room para sa RHGP o Revitalized Homeroom Guidance Programme. Nagpaalam si Miss Brazel na pupunta sa faculty room dahil may emergency meeting daw sila. Lahat kami ay kumilos para linisin ang room. Walang exempted kahit na puro mayayaman ang nag-aaral dito sa V High.  Nang matapos kaming lahat sa ginagawa ay masaya pa kaming nag kuwentuhan na apat. Hinihintay nalang namin si Ms. Brazel dahil may announcement daw sya bago kami umuwi. "Punta lang ako ng CR tol." Sabi ni Kevin "Gusto mo bang samahan kita tol?" Tanong ni Rhey sa kanya "Tss! Ano ka bakla?" Natatawang aniya. "H'wag na dito ka nalang, kaya ko namang mag isa." "Oh sige ikaw din baka multuhin ka doon!" Pananakot pa ni Rhey sa kanya. Humagalpak naman ng tawa si Edem kaya nahawa na rin ako sa tawa nya. Walang emosyon naman na lumabas ng room si Kevin. "Naniniwala ba kayo na may multo daw sa CR ng mga lalake?" Curious na tanong ni Rhey sa aming dalawa ni Edem. "Ako? To see is to believe." Kibit balikat na sagot ni Edem. "Who said that theres a ghost in boys comfort room?" Tanong ko "Sabi kasi nila nagmumulto daw 'yung lalaking kapatid ng may-ari nitong V High." Aniya saka lumapit pa samin ni Edem saka bumulong. "Doon daw kasi sa CR ng mga boys tinapon ang bangkay nya. Grr! Scary right?" Nanginginig na kuwento pa nya. "Bakit daw ba pinatay yun?" Tanong ni Edem. "Ang alam ko lang ay pinatay daw sya dahil gusto na nya mag quit sa ginawang hazing sa kanya ng fraternity na sinalihan nya. Ang sabi nila ay hindi na pwedeng mag quit, kaya pinapatay nila kung sino man ang magsasabi ng salitang iyon." Kuwento ulit ni Rhey "Anong Fraternity ba 'yung sinalihan nya?"  Ani Edem "Walang nakakaalam." Sagot Rhey sa kanya. "Dahil lang doon kaya pinatay sya? Senseless!" Biglang sigaw ko. Nagtaka namang napatingin sa akin lahat ng mga kaklase namin.'Hindi naman kasi makatarungan ang rason nila para pumatay ng tao. Mga hayop ang gumawa nun!' Sabi ko sa aking sarili. Nag iwas ako ng tingin dahil mataman akong pinagmamasdan ni Venom. 'Ano ba kasing meron sa mukha mo?' Nahagip pa ng paningin ko na lumapit si Albert dito kasama ang mga tropa nya. "Veronio date tayo." Agad na sabi ni Albert sa kanya. "Sagot ko." Aniya pa. Ngunit nanatiling walang imik si Venom. "Huy! Veronio sabi ko date tayo, sagot ko!" Pag-uulit ni Albert sa sinabi. Mukha na rin itong napipikon dahil para syang kumakausap sa hangin. "Tss! Mag date ka mag-isa mo." Walang ganang sagot ni Venom sa kanya. Nag 'Boo' naman lahat ng mga kaklase ko kasama na sina Edem at Rhey. "Gag* 'to ah! Ikaw na nga 'tong niyaya ikaw pa 'tong pakipot!" Tumayo na si Venom at akmang aalis ng higitin ni Albert ang braso niya. "Huwag ka ngang bastos kapag kinakausap kita!" Singhal ni Albert "Get your filty hands off me." Malamig na pagkakasabi ni Venom. Muling nag ingay ang mga kaklase namin. "Pano kung ayoko?" Pang aasar pa ni Albert. "Hey! Bitawan mo nga si Nexcia!" Sabat ni Jessa sa kanila. Isa sa new student. "Hwag kang mangialam dito kung ayaw mong masaktan!" Singhal dito ni Albert. "Ikaw ang tumigil at bitawan mo na sya kung ayaw mong masaktan!" Panghahamon rin ni Jessa sa kanya. "Jes enough." Ani Venom kay Jessa sa malamig na naman na tinig. Mukhang magkakilala silang dalawa base sa tinginan nila. "You!" Patukoy nito kay Albert. "Uulitin ko 'yung sinabi ko. Get your filty hands off me." May diin na sabi nito. "Haha! Sinong tinatakot mo hah!" Pang aasar pa ni Albert. Hindi pa rin nito binibitawan ang braso ni Venom. "You wouldn't like to know what i can do. So get lost!" Aniya na may galit sa mata. Marahas na binawi nito ang braso sa pagkakahawak ni Albert "Ano bang meron 'yang mukhang yan bakit ayaw mong ipakita sa amin ha? Siguro may butlig-butlig 'yan ano? Oh di kaya naman bulag 'yang isang mata mo?" Sunod-sunod na tanong ni Albert sa kanya. Napaisip naman ako sa sinabi nyang iyun. 'Bulag nga ba yan?' Lahat ng mga kaklase ko ay sumang-ayon sa sinabi ni Albert. "Hey! Stop it!" Sigaw ni Jessa. 'Bakit nya pinagtatanggol yan? Siguro magkakilala nga sila.' "Patingin kami!" Sigawan ng mga kaklase ko. Binatukan ko naman sina Edem at Rhey dahil sumali rin sa pambubuyo. Akmang hahawiin ni Albert ang buhok na nakatabing sa mukha ni Venom nang pigilan niya ito. Napatayo na rin ako para sana awatin sila. Ngunit nanlamig ako sa kinatatayuan nang magsalita ulit si Venom. "Do you really want to die huh!?" ~*BLAAAAG*~ "Nex!" Sigaw ni Jessa Lahat kami ay napasinghap nang BINALIBAG ni Venom si Albert sa sahig. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko napagmasdan kung papaano nya nagawa 'yun. Lahat ng babae ay napatili, 'yung iba naman ay lumabas ng room para hindi madamay sa gulo na maaaring lumala. Dumadaing sa sakit at pilit tumayo si Albert. Wala namang emosyon na lumabas ng room si Venom, Susundan pa sana ito ni Jessa ng pigilan nya ito kaya laglag balikat na bumalik sa upuan niya ang huli. "Boss okay ka lang ba?" Tanong ni Gomer kay Albert habang tinatayo ito mula sa sahig. "Gagu! Nakita mo na nga 'yung ginawa sa akin, Magtatanong kapa? Bobo!" Galit na turan nito. Napa-iling nalang ako sa nasaksihan. Mukhang hindi ordinaryong babae ang isang 'yun. "Nakita niyo 'yun mga tol?" Namamanghang sabi ni Edem sa amin. "Malamang! May mga mata kami kaya nakita namin 'yun!" Ani Rhey  "Ako nga rin tol hindi makapaniwala na magagawa ng isang payat na babae 'yung ganun." Sabi ko naman. Nagkwentuhan pa kaming tatlo hanggang sa dumating si Kevin na kunot ang noo. "Oh! Anong nangyare sayo at bakit ganyan ang mukha mo?" Puna sa kanya si Edem "Tss! Wala 'to." Sagot niya at naupo na. nakakunot noo parin sya at mukhang may iniisip. "Baka nakita na nya 'yung multo sa CR? Hahaha!" Natatawang bulong sa amin ni Rhey. "Gagu! Baka marinig ka nyan!" Saway ko sa kanya. Bigla naman itong natahimik kaya umayos na kami ng upo. Tiningnan ko si Jessa na nakatungo lang sa mesa nya. Magkakilala nga sila. Pero bakit ganun ang turingan nila kanina sa klase? Parang hindi sila magkakilala. Ano nga kayang meron ang mukha nya? Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakikita kung ano nga ba ang tinatago nya. Kailangan kong makita kung ano man iyun. Cobra POV Inis akong lumabas ng walang kwentang room na yun. Susunod pa sana si Jessa nang pigilan ko sya. Gusto kong mapag isa ngayon. Kahit na lagi naman akong mag-isa sa nakalipas na mga taon. "Why did you do that?"  Napahinto ako sa paglalakad at kunot noong tumingin sa kanya. "Tss! what do you want?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin  "I know that you know your limitations. Am i right Nex?" Sabi pa nya "Tss! I know that!" Inis na sabi ko sa kanya. At tumingin sa paligid. Mabuti nalang at walang ibang tao dito sa hallway.  "I told you to act like you don't know me." Pagalit na sabi ko sa kanya na ikinayuko naman nya. "I missed you." Malungkot na aniya habang nakayuko parin. "Tss! I missed you too." Seryosong sagot ko, Saka sya nag angat ng tingin. "So much! Kaya hwag ka nang magtampo dyan." Pag aalo ko sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha nya sa sinabi ko.  "Really!?" "Yes." Nakangiting sagot ko sa kanya. Nakangiti kaming nagkatitigan pa ng ilang segundo saka ako nagseryoso. "So stay away from me before anyone sees the two of us together." Pagtatapos ko sa usapan namin at naglakad na palayo sa kanya. 'Tss! Gullible.' ⚔️Jessa's POV⚔️ Napabuntong hininga ako habang nakayuko sa mesa ko. Hindi pa rin sya nagbabago. Ayaw nya pa rin na may nagtatanggol sa kanya. Gusto ko syang sundan kanina ngunit natakot ako sa sinabi niya, kaya nagpaiwan nalang ako dito sa room. Hindi ko kasi sinunod ang bilin nya na hwag na hwag ko syang kakausapin kapag nasa school kami. Kaya alam ko na galit siya sakin. Hindi ako mapakali sa upuan ko kaya lumabas ako ng room para sundan siya. Napahinto ako ng makita ko silang dalawa na nag-uusap. Agad akong nagtago sa pader para hindi nila ako makita. Nakikinig lang ako sa usapan nila hanggang sa marinig ko 'yung huling sinabi ni Nex.  "So stay away from me before anyone sees the two of us together." Nalungkot ako sa sinabi nyang 'yun kaya naman malungkot akong bumalik sa room. Naawa ako sa kanya. Hindi kay Nex kundi sa kausap nya kanina. 'Kung ako nalang sana ang pinili mo hindi ka masasaktan ng ganito'  ------ ⚔️Cobra's POV⚔️ Naiinip na ako! Almost two months na akong naghahanap ng information tungkol sa pesteng EXUDOS na yan at maski isa wala akong mahanap! 'Bullsh!t!' Dinial ko ang number ni Black Mamba na syang kanang kamay ko. Ilang ring pa bago nya ito sinagot. "I need you to come here as soon as possible." Sabi ko sa kabilang linya nang sagutin na nya ang tawag. "Yes Master!" Agarang sagot nito. Ibinaba ko agad ang tawag saka pabagsak na nahiga sa kama. Aminado ako na mahina ako pagdating sa pangha-hack ng system sa computer. Kailangan ko ang kakayahan nila para mapadali ang mission ko. Nasasayang lahat ng oras ko sa pagre-research dahil puro empty at denied ang lumalas na result! 'f**k!' "Daniel?" Rinig ko ang boses nya sa labas ng pinto. "Dinner is serve." Aniya pa, saka ako nakarinig ng yabag papalayo. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto ko upang kumain. Bago ako tuluyang makalabas ay nahagip ng paningin ko ang picture naming dalawa. Kuha ito ng minsang magbakasyon ako dito sa pilipinas ng three months. Masaya kami sa larawang ito. Mga panahon na kasama ko pa sya. Mga panahon na puro saya at laro ang ginagawa namin. Nagkukulitan at nag-aasaran. Hindi sya natatakot sa akin, kahit na inilalayo kami sa isa't isa ng sarili naming mga magulang. Tanggap nya kung ano ako. Kuyom ang kamao na pinagmasdan ko pa ito ng matagal bago tuluyang lumabas ng silid. 'i will get my Revenge no matter what!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD