Final Battle part 1 Warning: Violent scenes ahead. Nang magsara ang pinto na pinasukan ni Shawnna ay umalingawngaw ang isang kakaibang sigaw sa likod nito. Binundol ng kaba ang dibdib niya at pilit na binuksan ulit ang pinto pero ayaw na nitong gumalaw pa. "Tanda!" bulalas niya habang paulit-ulit na kinakalampag ang pinto. Isang malakas na pagsigaw ulit ang narinig sa buong kaharian na nagdulot ng pagyanig sa paligid. Parang nagmumula ang tono nito sa ikalaliman ng lupa dahil sa lalim. Pero imbis na kabahan ay nakaramdaman si Shawnna ng kaba at takot sa tono nito. Bigla siyang kinilabutan nang mapagtanto niyang parang pamilyar ito sa pandinig kahit na ngayon lang niya narinig. Ilang saglit pa niyang tinitigan ang pinto bago napagpasyahang tumalikod. Kailangan niyang magtiwala kay Ta

