"Ba't ang pula ng pisngi mo ate? You're creepy." Umismid sakin si Stolich habang sumusubo ng breakfast niya. Tiningnan ko siya ng masama. Goodthing Mom left early. Magtutuos kaming dalawa ng kutong lupa na 'to nang walang referree na kampi naman sa kanya. "Stop being so nosy Stolich." Sumubo ako ng pagkain pagkatapos. Ba't ba kasi sabay kaming nagbreakfast? Umagang umaga iniinis niya na ako. "Stop blushing then. Pinapatindig mo ang balahibo ko." He look at me with his piercing look. Saan ba nagmana ang batang 'to? Imposibleng nagmana siya kay Mom. Palangiti yun eh. Kay Dad? Hindi naman abnormal si Dad eh. "Kaninong anak ka ba?" tanong ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay. "As expected, nagtatalo na naman ang pusa at daga sa bahay na 'to. Good Morning."

