Nakabusangot ang mukha ko habang pinapacounter yung mga pinamili namin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. "Ang bilis niyo naman atang natapos magdate." I scoff. Inilahad ko sa cashier yung pera at umabante na habang nakasunod naman siya sakin. "Mapapagalitan ako ni Sky pag iniwan kita. Baka sa bahay ni Rocky ako patulugin ng pinsan mo" Nakanguso niyang sabi Ibig sabihin gusto niya talagang idate ang babaeng yun kaso natatakot lang siya sa pinsan ko?! Kinuha niya yung mga pinamili namin. Hindi ko na siya hinintay at naunang naglakad. "Teka lang Julie. Hintayin mo ako." Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ganoon pala ang taste niya sa mga babae? Yung mukhang liberated? Sabagay, maganda rin naman kasi ang Alexis

