“You're hired.” Seryoso kong saad habang nakapaskil sa mga labi ko ang isang simpleng ngiti. Lumapad ang ngiti ni James, dahil labis niyang ikinatuwa ang sinabi ko. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng aking opisina. Nagulat pa nga ako ng sabihin sa akin ng aking secretary na hindi pa man nagbubukas ang kumpanya ay naghihintay na sa labas ang binata. Marahil, dala ng sobrang pananabǐk na magkaroon ng trabaho. “Really? Wow! Honestly, hindi pa rin ako makapaniwala na may trabaho na ako. Akala ko'y habang buhay na lang akong P.A.” Nakangiti niyang pahayag. Ngayon ko lang napagtanto na madaldal pala ang lalaking ito. Masayahin siyang tao at mabilis makahawa ang mga ngiti nito. Kaya hindi ko na namalayan na tulad niya ay tumatawa na rin pala ako. “May I know what P.M.A is? Curious k

