“Kung kinakailangan na suhulan niyo, gawin nyo, at kung ayaw pa ring pumayag, then sue them.” Matigas kong utos sa aking mga tauhan. Nakatayo ang mga ito sa harap ko habang nakaupo naman ang aking abogado malapit sa office table. At sa tabi nito ay ang kanyang assistant. Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matrace ang ilang website na may hawak ng mga soft copy nang video. Hindi ganun kadali na mapigilan ang pagkalat nito. Halos malaki na rin ang nagastos kong pera para lang mahanap ang mga website na naglalabas ng s*x video namin ni Miguri. “Don’t worry, Mr. Myers, gagawin namin ang aming makakaya para matapos kaagad ang problemang ito sa lalong madaling panahon.” Ani ng aking abogado. Tumayo na ang mga ito upang mauna ng lumabas ng opisina ko. Isa pa sa

