Miguri’s Point of view “Excuse me, Ma’am, may dumating po na sulat para sa inyo.” Anya ng secretary ni uncle Smith. Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng aking opisina upang iabot sa akin ang isang puting sobre. Nakangiti na tinanggap ko ito mula sa kanya bago nagpasalamat, “thank you.” Kaagad din naman siyang umalis sa aking harapan kaya binuksan ko na ang sobre upang basahin ang nilalaman nito. Lumalim ang gatla sa noo ko at nagtataka na kinuha ang isang usv na nakadikit sa isang blankong papel. Nagtataka na isinaksak ko ang usv mula sa aking laptop upang malaman kung ano ang laman nito. Tanging isang file’s lang ang laman ng usv kaya kaagad kong binuksan iyon. Ilang sandali ay nag-play ang video, sa una ay napaka dilim ng kuha nang video ngunit kalaunan ay

