“Bella, narinig mo na ba ang balita tungkol sa isang estudyante mo na pumatol sa mismong tiyuhin n’ya?” Kinabahan akong bigla dahil sa sinabi ni tita Shirlie. “No, please, not here.” Nakikiusap kong saad, subalit nanatili lang ito sa utak ko. Pasimple akong napalunok ng wala sa oras, pakiramdam ko ay biglang nag-init ang aking mga pisngi at matinding kabâ ang lumukôb sa dibdib ko. “Really? Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, mga walang disiplina sa sarili, masyado ng imoralidad. You know my time kasi na nasa pamilya mismo ang problema. Kapag kulang sa gabay ay diyan nagsisimula ang lahat ng problema. Kaya hindi rin natin sila masisisǐ kung makagawa ng maling desisyon.” Tila problemado na sagot ni Prof. Bella. Bigla namang na tahimik si tita Shirlie. Sa totoo lang, nasaktan ako sa si

