Nanatili akong tahimik habang nakatitig sa kaniya. Halatang problemado pero nang mapalingon siya sa aking gawi, nawala kaagad ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Naging kalmado kaagad siya nang hindi ko man lang nakikita kung paano siya mapikon.
“Is there something wrong?” tanong ko kay Castiel pero umiling lamang siya at pinadasahan ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok.
“Nothing,” sagot niya pero halata naman sa boses niya na may problema siya. Sinamahan kasi niya nang pagbuga pa ng hangin at minasahe pa ang kaniyang noo.
Ngayon ko lang kasi siya nakitang napikon. Mukhang nagkaroon yata kasi ng problema. Hindi ko nga lang alam kung sa underground ba o sa mga business na hawak niya.
Kaya naman isinara ko ang aking binabasa na libro at kaagad itong inilagay sa aking tabi. Inabot ko naman ang unan saka ito ipinatong sa aking kandungan habang nanatiling nakatitig sa kaniya.
Gusto ko kasing maging open siya sa akin kahit pa hindi naman kami gaanong close. Wala pa nga akong sinasabing problema sa kaniya. Kaya hindi ko talaga masasabing close kami ni Castiel.
Nagawa namin ’yon, oo pero hindi naman kami nag-o-open sa isa’t isa sa mga ganitong bagay. Kaya ngayon, gusto kong makinig.
“I’m all ears just in case you want to talk about your issues,” paliwanag ko sa kaniya.
Bigla naman siyang napangisi sa aking sinabi. Kaya mas lalong napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kaniya. Halata kasing natuwa siya sa sinabi kahit na wala namang nakakatuwa roon.
Ang weird pala talaga ni Castiel kung minsan. Hindi ko siya maintindihan. May mga thought kasing tumatakbo sa utak niya pero kalaunan, mawawala iyon lalo na kapag nawala ang emosyon sa kaniyang mukha.
“Give me a kiss,” sambit niya na nagpaangat naman ng aking kilay.
Parang gusto ko tuloy umatras nang sabihin niya ang bagay na ’to. Alam ko naman na marami siyang problema pero iyong humingi na lamang siya ng kiss tapos biglaan pa, mukhang nakakapagtaka na.
Umiling na lamang ako sa kaniya at akmang kukunin muli ang aking libro nang tumikhim siya. Napabaling muli ang aking mga mata sa kaniyang gawi para titigan siya. Nakita ko naman na umayos na siya nang pagkakaupo sa kaniyang swivel chair.
Isinandal niya rin ang kaniyang likuran sa swivel chair niya at bahagyang tinapik ang kaniyang kandungan na para bang sinasabi niyang maupo ako roon kung gusto kong makipag-usap sa kaniya.
Bigla namang bumundol ang nerbyos sa aking puso nang maintindihan ko kung ano ang kaniyang gusto. Hindi naman sa takot ako pero base sa kaniyang gusto, mukhang mapupunta na naman sa ibang usapan ang balak niya.
Kaya naman natatawang napailing ako sa kaniya. Mag-aaral ako saka nagtatrabaho siya pero heto ang sasabihin niya sa akin? My gosh! May itinatagong kalandian din pala ’tong Castiel na ’to at basta na lang akong uutusan.
“No. I need to study. Alam mong ayaw kong naghahabol nang oras, Castiel,” saad ko sa kaniya.
Nakaka-temp naman talagang maupo sa kandungan niya pero sa tuwing naaalala ko kung ano ang mga dapat kong gawin, umaatras ako.
Kaya bakit ko naman siya susundin kung gusto kong tapusin nang mabilis ang isinusulat ko? Ayaw ko. Mas gugustuhin ko pang magbasa kaysa makipaglandian kay Castiel ngayon.
Matagal na rin noong huli naming ginawa. Isang linggo, I think? Nakakagalaw naman na rin ako nang maayos pero hindi pa rin naman ako sanay kung sakali man na ayain na naman niya ako.
Alam niyang mahalaga ang oras sa akin. Oo nga at mabilis din akong makatapos ng mga binabasa ko pero hindi naman ibig sabihin no’n ay mas inuuna ko na ang ibang bagay. Alam ko naman na makakapaghintay si Castiel sa mga ganiyang bagay. Nagawa nga niyang maghintay nang ilang taon noon.
Wala kasi talagang nai-link sa kaniya noon pero maraming nagkakagusto sa kaniya. Sadyang suplado lang siya at lumalayo minsan sa mga babae lalo na kung wala siya sa mood.
Cold nga siya sa iba at walang pakialam pero pagdating sa akin, nakasunod madalas na parang buntot ko. Ultimo sa condo ko, ginugulo ako. Wala nga akong kawala kay Castiel noon. Para siyang personal bodyguard ko pero hindi.
Nagtataka nga ako kung bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya kahit na cold siya. Kung sabagay, guwapo nga naman at maimpluwensya ang pamilya. Hindi na nakakapagtaka ang bagay na iyon.
“It’s just a quick kiss, love,” paglalambing nito na ikinamula pa ng aking pisngi.
Ramdam ko kasi ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil tinawag na naman niya akong love. Puwede naman kasing Twyla na lang pero ’yong love? Para namang magkasintahan kami kung umasta siya.
Sinabi niyang sa kaniya lang daw ako pero hindi naman ibig sabihin no’n ay kami na. Wala pa kaming exact na label. Kaya impossible yata ang gusto ng lalaking ’to. Halatang alanganin.
Kung nilinaw niya sana ang label namin, baka puwedeng hindi ko bigyan ng meaning ang kaniyang pagtawag sa akin. Grabe naman kasing endearment ang love! Sobrang sweet at parang may relasyon kami.
“Quick kiss ka riyan! Baka quickie?” pagsusungit ko na ikinangisi naman niya.
Mas lumawak pa iyon nang magtama ang aming mga mata. Kaya pinanglakihan ko siya ng aking mga mata pero tanging kindat lang ang ginawa niya.
Kaya mas lalo akong napikon. Halo-halo na kasi ang emosyon na nararamdaman ko. Kaya medyo alanganin na ang lahat dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o naiinis kay Castiel.
“Well, that’s a good suggestion, love,” he mumbled.
Naging isang linya naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi. Napilitan pa akong ibato ang unan sa kaniyang mukha pero mabilis naman niyang nasalo iyon at ibinato naman sa couch nang hindi tinatanggal ang kaniyang mga mata sa aking gawi.
Nagsisimula na ring umalab ang kaniyang mga mata. Ngunit nanatili akong seryoso at pilit nilalabanan ang init sa aking katawan. Ramdam ko ring namumula na ang buong mukha ko dahil sa expression ni Castiel pero ngumuso lamang ako.
“Tumigil ka nga kasi, Castiel! Nag-aaral ako, eh!” pagmamakaawa ko sa kaniya.
Natawa naman siya sa aking sinabi pero kalaunan, nagseryoso ang kaniyang mga mata. Wala na rin akong nakitang pagbibiro roon na para bang nagawa niyang itago lahat ng emosyon niya sa isang iglap lamang.
“Castiel,” babala ko sa kaniya.
“Later then.”
Umirap na lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Sakto namang hindi na ako ginulo ni Castiel. Kaya naman nagawa kong matapos ang isang libro nang isahang upo lamang.
Sinubukan ko ring kunin ang isa pang libro pero pumintig na ang sintido ko. Kaya napatigil na ako at nakahilot ng aking sintido. Ramdam ko ang pagpintig ng ugat ko roon. Kaya nagawa kong ipikit ang aking mga mata.
Nasobrahan yata kasi ako sa pagbabasa. Kaya minsan ay ayaw kong magbasa madalas dahil nga ganito ang nangyayari sa akin—nabibigla ang utak ko sa mga information.
Kaya nga mas gusto kong mas advanced ako sa lesson namin para maiwasan ang ganito. Ayaw ko kasi iyong sinasabayan ko sila dahil nagawa kong ma-nosebleed dahil sa stress noon. Kaya no choice ako kung hindi ay mag-advance reading para wala na akong problema pa.
“Don’t push yourself to study, Velle,” wika ni Castiel at parang may inilapag pa sa round table. Babasagin kasi ang round table niya. Kaya naglilikha iyon ng tunog. “Take a break and drink your milk.”