Out
"Sigurado ka talaga ron, Ellie?" natatawang tanong ni Macy.
"Oo nga,"
Celebration ngayon ng 101st Loyalty Day sa PCAST. Kahapon bago umuwi ay pinatawag ako sa office ni Mr. Manzano na head ng logistics para sa event. Marami raw kasing namangha sa public speaking skills ko nung orientation kaya't inimbitahan akong mag-host sa program para mamaya.
"Seryoso ka ba?"
Hindi na maipinta ang mukha niya.
Napairap na ko. "Parantanga naman eh. Ulit-ulit."
"Pero baket kasi? I mean- baket? Baket, Ellie, baket?"
Hinarap ko ang nakalukot na mukha niya.
"Anong baket?" kunot-noong tanong ko. "Anong masama? Tsaka di ba nga sabi ko nalaman na rin naman kasi ng bestfriend niya? Sooner or later siguradong malalaman niya na rin. Mas mabuti nang sakin mismo manggaling kesa sa iba pa,"
Naka-awang ang labi na napamaang siya sakin.
"Unbelievable.." she shook her head. "Iba ka girl,"
Lumukot ang mukha ko. "Bakit ba? Di ba nga sayo na rin naman nanggaling na sulitin na natin habang may pagkakataon?"
"Oo nga-" natatawang simula niya. "Pero hindi ko naman inakalang ibang klase ka girl, na as in-"
Ni hindi niya na kayang ituloy ang sasabihin. My brows furrowed in confusion.
"Wala namang mali sa gagawin ko ah?" litong tanong ko.
"Okay, okay.." she said in defeat. "Hindi naman kita pipigilan. Well, good luck na lang, I guess?" natatawa nang sabi niya.
Half day lang ang pasok ngayon dahil sa event. Wala na kaming klase sa hapon. Lunch break na kaya't nakatambay na lang ang lahat at naghihintay na sumapit ang tamang oras para pumunta sa amphitheater.
"Oh siya, nag-aaya na yung mga kaklase ko." aniya nang tumunog ang cellphone.
Bumaling siya sakin nang may ngisi. "Best of luck!"
Napailing na lang ako sa nakakalokong ngiti niya bago kami naghiwalay para bumalik na sa kanya-kanyang silid.
Maingay at magulo ang classroom pagpasok ko. Mukhang naghahanda na rin ang lahat para bumaba.
"Tara na?" aya ni Yael.
Tumango ako at kinuha na rin ang mahahalagang gamit lang.
Kumpleto ang buong X1 na nagsilabasan. Walang nangahas na umuwi na at i-ditch ang event dahil may attendance doon. Mamarkahan daw na absent sa mga afternoon classes ang hindi pupunta.
Hindi pa puno ang amphitheater pagdating namin ngunit marami-rami na rin ang naroon.
"San ka?" tanong ni Yael.
"Dun na ko sa may stage pinapadiretso eh. Sige," paalam ko.
Kumaway na rin siya kaya't nagtungo na ko sa unahan. Pagdating ko sa backstage ay sumalubong sakin ang ilang staff.
Nilapitan pa ko ni Mr. Manzano para bigyan ng cue cards. Hindi na sana kailangan noon dahil nakabisado ko naman na kagabi ang binigay na script pero ayos na rin siguro kung may hawak akong ganito para sigurado.
Ilang minuto pa kong umupo lang muna sa gilid para mag-ensayo ng mga sasabihin. Kitang-kita ko ang pagka-abala ng lahat ng nasa backstage. Mula sa mga mags-special performances at intermission. Pati na sa mga nagsusuot ng costume at nag-aayos ng props.
"Ellie, let's start?"
Napabaling ako kay Mr. Manzano na nasa gilid ko na pala.
Sumang-ayon ako at tumayo na. Pinagpag ko pa ang mga palad ko at nagbuga ng ilang hingang malalim bago tuluyang umapak sa stage.
"101 years of Uplifting Peoples' Lives and Beyond. Today marks the special moment of revisiting and recognizing the heroic spirit of the men and women behind the history of the Philippine College of Aeronautics, Science, and Technology..."
Gaya ng kadalasan ay inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng mga pormal na alituntunin. Tuwing may mga nagsasalita o nagpeperform ay nagkakaroon ako ng pagkakataon para magpahinga sa gilid.
Isang beses habang naka-standby ay sinilip ko ang audience. Naglakbay ang mata ko at tinunton ang mukha na gusto kong makita.
Kumabog ang dibdib ko nang matagpuan siya. Hindi tulad ng ibang mga katabi na nakatutok sa cellphone, siya ay nakatuon sa nagsasalita. Blangko ang ekspresyon niya habang tahimik na nakikinig dito. Sa pagtitig pa lang sa kanya ay napapangiti na ako.
Muli akong bumalik sa stage para i-introduce naman ang susunod. Kung ang sinundan ay nagbigay ng speech, ito namang susunod ay magbibigay ng natatanging pagtatanghal.
Ilang pares pa ng mga inspirational messages at intermission number ang naganap bago dumating sa huling punto. Bumalik ako sa podium para i-present ang video clip na magco-close ng programa. Saglit ulit akong nakapag-pahinga habang nagpe-play iyon. Umakyat lamang ulit ako nang matapos na iyon.
"Let us all rise for the exit of colors, followed by the special guests, school officials, staffs, and students,"
Unti-unti ko nang naramdaman ang kaba nang minartsa na palabas ang mga flags.
Kinakalma ko ang sarili habang pinapanood iyon at naghahanda na para sa gagawin. Ipinaalam ko naman kina Mr. Manzano ang gagawin ko kaya't walang problema dito.
Nang makitang tumayo na rin ang mga bisita at mga opisyal ng school ay tahip-tahip na ang kaba ko.
Humigpit na ang kapit ko sa microphone habang binabantayan na tuluyan silang makalabas.
Nang masiguradong puro estudyante na lang ang natitira sa amphitheater ay ginamit ko iyon bilang hudyat ko.
I cleared my throat before pulling the mic near my mouth.
"Before anything else,"
I saw how everyone suddenly turned their heads on the stage.
"I would like to make a special announcement."
They all stared at me in confusion for they thought that the program had already officially ended from a while ago.
"Gusto ko lang sabihin na..." hinanap ko ang isang pares ng mata.
"Mr. Spencer Donovan Montero of X1 - Aero Sci,"
I witnessed how his forehead creased at the mention of his name. Everybody in the hall started murmuring.
Lumunok ako.
"I like you,"
The place was immediately filled by loud yells and cheers.
Kitang-kita ko kung pano tinulak-tulak si Spencer ng mga kaklase naming lalaki. Hindi ko man naririnig ay ramdam kong puro panunukso ang natatanggap niya ngayon.
His expression remained serious as he stared at me though. I can even sense the confusion in his furrowed brows.
Panay pa rin ang hiyawan ng iba habang may ilang lumalabas na.
May mga kaklase pa kong lalaki na tumatalon at ginugulo ang buhok ni Spencer. Nakita kong nairita na siya roon kaya't lumayo.
Walang sabi-sabing binitawan niya ang titig ko para bumaling sa mga nanunuyang kaklase. Saglit lang iyon at hindi na siya muli pang nag-abalang tapunan pa ulit ako ng tingin. Pumihit na siya sa gilid para makapaglakad paalis.
Parang may naramdaman akong malamig sa sikmura ko.
Inipon ko ang lakas ng loob upang muling makapagsalita at madagdagan ang sinabi kanina.
"I will..." napalunok ako. "..do whatever it takes just to win your heart." I said with finality.
Everyone reacted giddily with their squeals and screams.
But my eyes were glued to him who didn't even halt on his way out of the hall.