Buong maghapon ay sinubukan kong hindi sagutin ang tawag ni Castiel at i-text siya. Tumigil naman siya sa pag tawag sa akin ng mga bandang 5 PM kanina at hanggang ngayon ay wala na akong nare- received pa na text o tawag mula sa kaniya. Part ito ng plano ko na pag surprise sa kaniya. 7:30 PM na ngayon at balak kong puntahan na siya sa condo niya ng mga bandang 8:00 para sabihin sa kaniya na pumayag na si Dad na mag-invest. Sumakay na ako sa kotse ko para puntahan siya, lagi ko na rin na ginagamit itong kotse ko pero kapag alam kong susunduin niya ako ay nagta-taxi lang ako papunta sa condo ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng sobrang lapad habang nagmamaneho dahil alam ko na ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ang magandang balita, tiyak na matutuwa talaga siya. Ilang minuto pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


