BREIGH’s POV Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon lalo na sa nakikita ng dalawang mata ko. Alam kong hindi nila ako napapansin ngayon dahil sa madaming tao ang nakapaligid sa akin kaya malaya akong natatanaw ko silang dalawa. Pero habang tumatagal yung pagtitig ko sa kanila ay mas lalo din akong nakakaramdam ng sakirt. Kung hindi ko pa nga naramdaman ang presensya ni Lee sa tabi ko at inabot ang hawak niyang wine ay hindi pa mapuputol ang tingin ko sa kanila. “Here.”malambing na wika niya sa akin at kahit ayaw ko pang iiwas ang paningin ko sa dalawang taong nakita ko ay napilitan na akong batuhan siya ng tingin at tanggapin yung baso. “Thank you.”mahinang sabi ko sa kanya. Wala naman sana akong balak na sabihin sa kanya kung ano ang nakita ko pero mukhang huli na. Napans

