THIRD PERSON's POV Mabilis na napatayo si Lee nang makita niya ang Tito Edward niya na palapit sa pwesto niya. Sa inaasahan ay yun pa rin ang suot nitong damit dahil kalalabas lang nito sa presinto ng umaga din na yun. Halos mag a-alas nwebe pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong matao sa pathway ng ospital. "Tito! "Agad na bati ni Lee sa matandang lalaki. "Kamusta na ang Mama mo? Ano na ang lagay niya? "Tanong ng matanda nang tuluyan na siyang makalapit sa binata. "Nailipat ko na po siya sa private room kahapon pa pero nagpapahinga pa po kasi siya ngayon kaya dito po ako sa labas nagbabantay. At-- at hindi pa po siya nagigising. "Sagot ni Lee. Hindi naman nagsalita ang matandang lalaki at tumuloy siya sa may pintuan ng private room kung saan nandoon sa loob ang kaniyang a

