Buong biyahe ay hindi na kami nag usap pa ni Lee matapos ng mga sinabi ko. Ayaw ko na ring mag salita pa dahil halos lahat nang gusto kong sabihin ay nasabi ko na sa kaniya. Hindi ko rin kasi gusto na palakihin pa ito--- well, hidni ko naman ito matatawag na away o pag tatalo. Ang alam ko lang ay may mga bagay na hindi kami pareho ng opinyon at naiitindihan ko naman siya kung hindi niya matanggap ang naging desisyon ko. Maya- maya pa ay biglang nag ring ang phone ko. Nang mabasa ko kung sino ang caller ID ay agad ko na yung sinagot. “Hello Dad?”agad na bati ko. [Pauwi ka na ba?] tanong naman ni Dad sa akin. “Yes Dad, I’m on my way.”tipid na sagot ko pa. [Wala pa daw ang Kuya mo sa bahay sabi ni Manang--- nandito ako ngayon sa kompanya , baka pwedeng daanan mo na rin siya kina Al.] An

