THIRD PERSON’s POV Nagising na lang si Breigh sa mahabang pagkakatulog nang maramdaman niya na may humahawak sa kamay niya. Dahan-dahan niyang imunulat ang mga mata niya at puting paligid ang agad na nakita niya. Medyo nasilaw pa siya sa maliwanag na ilaw kaya naman napapikit ulit siya tsaka iminulat ulit ang mga mata. Unti-unti siyang bumaling sa gilid niya at doon niya nakita ang isang pamilyar na mukha habang nakangiti at nakatingin sa kanya. “Buti naman at gising ka na.”sabi nito. Kumunot ang noo ni Breigh at pinilit na makaupo sa pinaghihigaan niya kaya agad siyang inalalayan nung isang nurse sa kabilang gilid niya. “Do—Doc Bob, bakit po kayo nandito?”nagtatakang tanong ko. Usually kasi ay hindi siya ang umaasikaso sa mga pasyente dito sa Trinity Hospital dahil isa na siyang dir

