THIRD PERSON's POV Nag madali nang pumasok si Breigh sa loob ng restaurant kung saan sila magkikita ni Lee para kumain ng tanghalian dahil late na siya nang mahigit sampung minuto. "Sorry. Na-late ako huh. "Agad na wika ni Breigh nang makalapit na siya at maka upo sa may harapan ni Lee. Ngumiti naman sa kanya ang binata. "Hindi. Okay lang. Sakto lang ang dating mo kasi kararating lang din nitong mga pagkain."wika naman ni Lee. Napangiti din naman si Breigh nang makita niya yung mga pagkain sa harapan niya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom kasi amoy na amoy niya ang bango ng mga ito. "Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hahaha. Tara, kain na tayo. "Sabi pa ng dalaga sa kaibigan niya at nag-nod lang naman si Lee bilang pagsang-ayon. Hindi naman maiwasan ni Breigh na batuhan nang t

