CASTIEL’s POV Tahimik lang akong nagmamaneho ng kotse ko matapos ang nangyaring event habang nasa tabi ko lang si Ellaine at tahimik lang din. Pagkatapos nung nangyari kay Breigh sa party ay parang wala lang nangyari dahil bumalik din kami sa pagsasayaw ni Ellaine pati na rin yung ibang tao sa paligid namin. Kahit ayokong isipin yung nangyari kagabi lalong lalo na yung mga mata ni Breigh habang nakatingin sa akin ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Nakaramdam ako ng guilty at parang gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari pero alam ko naman kasi na hindi ko din magagawa siyang tulungan dahil ayokong mamis-interpret ni Ellaine ang gagawin ko. Ayokong isipin niya na may namamagitan sa aming dalawa dahil pag nagkataon ay baka mas lalong lumabo na ang pag asa at kagustuhan

