Maaga akong umuwi ngayon dahil maaga din namang umalis si Castiel, meron daw kasi siyang mahalagang lakad eh. Hindi ko naman alam kung saan kasi hindi naman niya nabanggit, actually hindi na rin nga natuloy yung lunch na sinabi niya sa akin nung umaga. Hindi din kami masyadong nag usap sa buong araw kaya medyo naninibago ako, pasilip-silip nga lang ako sa kanya eh hanggang sa umuwi na siya. Iniisip ko na lang na baka busy siya dahil may mga iniwan siyang trabaho kahapon nung nagkasakit siya kaya naman hindi ko na lang din siya masyadong inistorbo. Ngayon naman ay nandito lang ako sa labas ng hotel dahil hinihintay ko si Gwen, tinawagan ko kasi siya kanina dahil nagpapasama ako sa kanya papuntang Mall. Ngayon ko na kasi iintindihin yung tungkol sa sususotin ko sa event na pupuntahan n

