“Mag C-CR lang ako.”paalam ni Breigh kay Lee at tumayo na siya. “Gusto mong samahan kita?”tanong ni Lee sa kanya na medyo nag aalala pa ang tono nang pananalita. Mabilis naman ang ginawa niyang pag iling bilang pag tanggi at tumawa ng simple. “Hindi na noh. Kaya ko na.”sagot sa kanya ng dalaga kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang sumangayon na dito. Agad nang tumalikod si Breigh at naglakad na palayo sa lamesa nilang dalawa ni Lee. Hindi niya maiwasan na batuhan nang tingin ang mga taong madadaanan niya habang papunta sa Comfort dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero hinahanap ng mata niya kung nasaan si Castiel. Ngunit bigo siyang mahanap ito dahil iba‘t ibang mukha lang ng mga tao ang nakikita niya. Wala siyang mga kakilala sa lugar na yun hanggang sa may makita na siya

