CHAPTER 146 Napatayo ako agad nang biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ni Tita Caroline kung saan mabilis na lumabas si Castiel. Agad niya akong binatuhan nang tingin pero saglit lang yun dahil iniwas niya din agad ang mga mata niya sa akin at naglakad na papalayo. May iba akong napansin sa mga mata niya. Para bang na sasaktan siya ng sobra kaya hindi niya kayang itago yun sa ekspresyon ng mukha niya. Mabilis naman na sumunod si Sid sa kaibigan niya, habang ako naman ay naiwan lang dito na nag iisa dahil nga hindi pa bumabalik si Lee kasama yung kaibigan niya na Derek ang pangalan. Nang mawala sa paningin ko sina Castiel ay sakto naman na lumabas din si Sir Edward. "Breigh, saan pumunta si Castiel? "Mabilis na tanong niya sa akin nang makita niya ako dito sa kinatat

